
PHOTO: Instagram/@krisbernal
UNTIL now, naghahanap pa rin ng yaya ang aktres na si Kris Bernal.
Ayon sa kanya, isang linggo na silang walang katuwang sa pag-aalaga sa anak nila ni Perry Choi na si Baby Hailee Lucca.
Kaya naman, isang linggo rin siyang hindi nakapag-post sa social media.
Recently lamang ay nagkaroon siya ng update at nabanggit nga niya na pagod na pagod na silang mag-asawa dahil sa dami nilang duties bilang parents, sa bahay at negosyo.
“I haven’t been on social media in weeks because we have yet to find a yaya and a house helper. Naghahanap pa din kami,” update ng aktres.
Paglalarawan pa niya sa sitwasyon nila ng mister, “Walang pahinga, walang tulog. Literal!”
“Perry is in-charge of the household while I am in responsible/in care of Hailee,” kwento pa niya.
Kasabay ng kanyang post, lubos niyang pinasalamatan si Perry dahil maaasahan daw talaga ito bilang mister at tatay.
“I am grateful for having a spouse on whom I can always rely on. Through good and bad. Rain or shine. Extremely attentive to our needs,” sey ni Kris.

PHOTO: Instagram Story/@krisbernal
Sa hiwalay na Instagram Story, ibinandera ni Kris ang video ng kanyang mag-ama na tulog na tulog sa upuan.
Kitang-kita na pagod na pagod na nga si Choi at mukhang malalim na ang pagkakatulog habang yakap ang anak.
“Kaya pa, @choi.perry?” lahad ng aktres sa caption.
PHOTO: Instagram Story/@krisbernal
Noong March 20 nang huling nanawagan si Kris kaugnay sa paghahanap ng yaya.
“No yaya = no tulog,” ang nakalagay sa caption ng post ni Kris, kalakip ang isang selfie photo kung saan makikitang tila super tired at puyat-puyatan ang peg habang karga ang kanyang anak.
“SEND HELP! Looking for yaya! Send me a DM! Referrals only from fam/friends!” hirit pa niya.