Willie Revillame kasado na ang pagbabalik sa TV5, sey ni Cristy Fermin

Willie Revillame kasado na ang pagbabalik sa TV5, sey ni Cristy Fermin

Willie Revillame

KINUMPIRMA ni Nanay Cristy Fermin na balik TV5 na ang “Wowowillie” host na si Willie Revillame.

Ayon pa sa batikang kolumnista, kapag nagka-ayos na ay pipirma na si Willie ng kontrata sa MediaQuest pagkatapos ng Semana Santa.

Matatandaang unang programa ni Willie sa Kapatid network ay ang “Wil Time Bigtime” na umere noong January 5, 2013 at ilang araw lang ang nakalipas ay inilipat ito sa noontime slot na naging “Wowowillie,” pero nagpaalam din sa parehong taon buwan ng Oktubre.

Sa kuwento ni ‘nay Cristy sa “Showbiz Now Na” vlog kahapon ng hapon, March 27, kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez.

“Ang sabi sa akin ng mga taga-pamuno ng TV5 nu’ng magkausap kami ng Lunes (Marso 25) (ay) nagpasintabi, ang sabi (sa akin), ‘Nanay wala pa dahil magmi-meeting pa kami ng Martes (Marso 26) ng umaga (at) hindi pa naming alam kung ano ang kahihinatnan at kung sakali gustong magka-ayusan at magkatulungan kami,” bungad kuwento ng SNN host.

Baka Bet Mo: Willie Revillame naglo-loyalty check na matapos ang mga kinasangkutang kontrobersiya

Dagdag pa, “at saka panahon na rin para mapanood ulit si Willie Revillame sa mundo ng telebisyon.”

Tanong kaagad ni Romel, “At saka ikaw (nay Cristy) ay hindi ka naman hadlang sa pagbabalik niya sa telebisyon?”

“Alam ko sa puso ko, alam ng mga boss namin at saka sa One Ph sa Cignal, Mediaquent ay wala silang narinig.  Ako po Semana Santa o hindi, lahat ng naganap ay wala na sa puso ko. Gusto kong makabalik ulit sa telebisyon si Willie Revillame dahil maraming mabibiyaan sa mga nangangailangan, bukod pa sa saya na ibinibigay niya sa publiko, pahayag ni ‘nay Cristy.

Wish daw ni ‘nay Cristy kay Willie ay huwag laging nagagalit lalo na kapag hawak nito ang mikropono, pinagagalitan niya ang kanyang staff on air, sana iyon ay mawala na.

Pati ang pagiging mayabang daw ni Willie na tingin ng iba ay sana mabago na at alam na nitong i-handle ang kanyang popularidad.

Kaya sa mga naka-miss kay Kuya Wil abangan ang kanyang pagbabalik sa TV5. Babaguhin kaya ang titulong Wowowillie o mananatili ito?

Read more...