Kathryn Bernardo muling nakasama ang ‘Hello, Love, Goodbye’ co-stars

Kathryn Bernardo muling nakasama ang 'Hello, Love, Goodbye' co-stars

INSTANT reunion para sa casts ng “Hello, Love, Goodbye” ang naging 28th birthday celebration ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Ibinandera ng actress-comedienne na si Lovely Abella ang larawan niya kasama ang birthday girl pati na rin ilan pa niyang co-stars na sina Alden Richards, Maymay Entrata at Kakai Bautista habang nakasakay sila sa isang yate.

Matatandaang ipinagdiwang ni Kathryn ang kanyang kaarawan sa Isla Amara Boutique Resort sa El Nido, Palawan nitong March 26.

Sey ni Lovely sa kanyang caption, “My Ga namin!! Happy birthday we love you so much!! @bernardokath.”

Baka Bet Mo: Daniel nagparamdam sa birthday ni Kathryn, mag-reply kaya ang ex-dyowa?

Bumaha naman ng mga pagbati para kay Kathryn sa kanyang comment section habang ang iba naman ay iniintriga ang dalaga sa leading man niyang si Alden o nagre-request na magkaroon ng sequel ang kanilang pelikula.

“Parang dumadamoves na si Alden,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Part2 ng hello love goodbye please.”

“Omgggeeeeyyy apaka issue ko pero KATHDEN IN ONE SCREEN!!! SOBRA NATO! HBD Kwen kathryn! Pakialagaan si kath boss aldin,” sey naman ng isang netizen.

Matatandaang base sa naging interview namin kay Alden, bukas ito kung magkakaroon ng sequel ang pelikula nila ni Kathryn.

“Ako po… of course Hello, Love, Goodbye naman po made history and ‘yun naman rin po ang gusto ng mga nakapanood, na magkaroon ng part 2.

“Sinabi ko kay Direk Cathy (Garcia-Sampana), sabi ko, ‘Direk kapag gumawa kayo ng part 2 ikaka-cancel ko muna lahat ng schedule ko,” chika ni Alden.

Ngunit nasa desisyon ng Star Cinema kung magkakaroon ba ng part 2 ang blockbuster movie nila ni Kathryn.

“But then again, that’s really up to Star Cinema kasi sila naman ‘yung producer and they own the rights of the movie,” sey ni Alden.

Bukod pa rito, pinuri rin ni Alden si Kathryn sa kanyang naging interview sa ABS-CBN News.

“Nakakatuwa na I’m really seeing her parang coming out of her shell. Kita mo sa kanya eh. It manifests. The photos and videos that we see and the projects that she has been doing, really says a lot about her state of mind right now. And the condition of her life right now, she deserves that,” ani Alden.

Read more...