Rebelasyon ni Elizabeth Oropesa best kisser si FPJ: Basta napakasarap!

Rebelasyon ni Elizabeth Oropesa best kisser si FPJ: Basta napakasarap!

SHOOKT ang publiko sa naging rebelasyon ng premyadong aktres na si Elizabeth Oropesa tungkol sa namayapang Action King na si Fernando Poe, Jr..

Nag-guest si La Oro (tawag kay Elizabeth sa showbiz) sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang March 26, kung saan game na game niyang sinagot ang maiintrigang tanong sa kanyang career at personal na buhay.

Isa sa mga question na ibinato sa veteran actress ni Tito Boy ay kung sino  sa mga naging leading man niya ang mako-consider niyang pinakamasarap humalik o best kisser.

“Sa lahat ng mga naging leading men mo, sino ang pinakamahusay humalik? Kasi sabi mo mahusay kang humalik?” ang diretsahang tanong ni Tito Boy.

Baka Bet Mo: Elizabeth Oropesa sinermunan ang mga kabataang walang galang sa magulang: ‘Kasi kapag nawala na sila, wala na’

“Oo, sabagay…maniwala ka sa hindi, si Kuya Ronnie (Fernando Poe, Jr.). Yeah! Kita mo, ngayon revelation ‘yan.

“Ngayon ko lang nasabi kasi patay na si Ate Susan (Roces, yumaong asawa ni FPJ), nahiya naman ako baka pa pagdudahan,” sabi ni Elizabeth.

“Best kisser, lips my God so soft, kasi disente siya humalik, very tender, very loving, basta napakasarap! Kung siya ay tsokolate, Belgian. It melts in your mouth!” ang chika pa ni La Oro.

“Ang tsismis noon na lumalaganap sa industriya, ang pinakamagaling humalik ay si George Estregan. Kasi totoo naman, napakagaling din naman ni George with matching laway na lumalabas,” sabi pa ng veteran star.

Nagkasama sina La Oro at FPJ sa ilang classic films, kabilang na riyan ang “Aguila,” “Bontoc,” at “Alupihang Dagat.”

Read more...