Ex-beauty queen sawang-sawa na sa pambababae ng asawa

Ex-beauty queen sawang-sawa na sa pambababae ng asawang negosyante

Reggee Bonoan |March 27,2024
facebook
share this

Ex-beauty queen sawang-sawa na sa pambababae ng asawang negosyante

Reggee Bonoan - March 27, 2024 - 09:10 AM

Ex-beauty queen sawang-sawa na sa pambababae ng asawang negosyante

Guess, guess who!?

NAUMAY at nagsawa na raw ang dating beauty queen sa papalit-palit na dyowa ng kanyang asawang negosyante at kilala sa showbiz.

Ito ang dahilan kaya hindi na niya ito sinasamahan sa mga pinupuntahang gatherings na dapat ay kasama siya.

Nu’ng kainitan pa ng relasyon nila bilang mag-asawa ay hindi nawawala sa tabi ng asawang negosyante at kilala sa showbiz ang dating beauty queen pero ngayon ay wala na kaya pala kung sinu-sino na ang kasamang girlash.

Baka Bet Mo:  Jake Cuenca inaming hiwalay na sila ni Kylie: These past 3 years of my life have certainly been the best

Say ng aming source, “Nagsawa na si ___  (ex-beauty queen), kahit anong away nila hindi naman tumitigil sa pambababae si ___ (negosyante), katwiran niya sa kanya umuuwi at pangakong hindi aanakan. Kaya kampante ang lola mo sa pangako sa kanya at mukhang tinutupad naman.”

Ang kaso halos lahat pala ng girlash ng negosyanteng kilala sa showbiz ay ibinabahay niya para kapag magkikita ay walang makakakita.

Katwiran naman ng dating beauty queen ay “pahiram” lang naman daw ang mga bahay na tinutuluyan ng kabit ng asawang negosyanteng kilala sa showbiz.

“Oo, hindi naman ibinibigay dahil ang pangalan ay nasa pag-aari ni ___  (negosyante),” sambit ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending