Bela pasok na rin sa 'Pamilya Sagrado', ka-loveteam din si Piolo?

Bela pasok na rin sa ‘Pamilya Sagrado’, ka-loveteam din si Piolo?

Reggee Bonoan |March 27,2024
facebook
share this

Bela pasok na rin sa ‘Pamilya Sagrado’, ka-loveteam din si Piolo?

Reggee Bonoan - March 27, 2024 - 09:10 AM

Bela pasok na rin sa 'Pamilya Sagrado', katambal din ba ni Piolo?

Bela Padilla at Piolo Pascual

KASAMA pala si Bela Padilla sa bagong seryeng “Pamilya Sagrado” mula sa Dreamscape Entertainment na nagsu-shoot ngayon sa Baguio City.

Nag-post kasi ng video ang aktres sa kanyang Instagram na binubuhat siya ng lead star ng serye na si Piolo Pascual sa iba’t ibang anggulo na ikinatuwa naman ni Bela.

Ang caption ng aktres sa video post niya ay, “Cycle 1, done!”

Naka-lock-in ang buong cast ng “Pamilya Sagrado” sa Baguio kung saan kukunan ang buong serye at bababa lang sila pagkalipas ng tatlong linggo hanggang isang buwan.

Baka Bet Mo: Aiko sa rebelasyon ni Eric Quizon: Akala ko hindi niya ako type!

Sa sinabing “cycle 1 done” ay nakatapos na ng taping ang “Pamilya Sagrado” at pababa na sila ng Manila o kaya ay pahinga sila ng isang linggo o higit pa.

Inalam namin kung si Bela ang leading lady ni Papa P, hindi naman daw, “nagkaroon lang sila ng something pero hindi nagtagal.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bela Padilla (@bela)


Nabanggit pa sa amin na si Shaina Magdayao talaga ang leading lady ni Piolo at si Bela ay magkakaroon ng magandang puwesto sa buhay ng aktor base sa kuwento ng series.

Kaya pala nasa bansa si Bela dahil may proyektong gagawin pero kapag kasi wala siyang ganap dito sa Piipinas ay mas gusto niyang mamalagi sa London.

Anyway, ang “Pamilya Sagrado” ay mula sa direksyon nina Andoy Ranay at Lawrence Fajardo handog ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending