MAY mga nagpu-push pala na kilalaning National Artist ang iconic showbiz trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.
Ayon sa mga supporters ng TVJ, ito na raw ang tamang panahon na ibigay sa tatlong TV at movie icon ang naturang parangal dahil sa kanilang di matatawarang ambag sa entertainment industry.
Bukod daw kasi sa mga achievements ng tatlong komedyante at TV host sa local showbiz ay marami rin silang natutulungan sa pamamagitan ng kanilang longest-running noontime show na “Eat Bulaga”.
Ngunit meron din namang mga kumokontra sa panukalang ito na nagsasabing kulang na kulang pa ang kanilang narating at napatunayan para maging National Artist.
Pero kung si Joey de Leon ang tatanungin, mukhang hindi naman interesado ang TVJ na maging National Artist.
Nagbahagi siya ng mensahe sa publiko sa pamamagitan ng X (dating Twitter) tungkol sa isyung ito. Aniya kalakip ang litrato nila nina Tito Sen at Bossing Vic, “Kami at EB National Artists? Ngek, WAG NA! Gawin nyo na lang kaming FUNCTION ALL ARTISTS!
Baka Bet Mo: Hiling ni Joey de Leon: Sana magbago na ng title ‘yung ibang show
“Eh kasi we’ve covered nearly everything— radio, TV, newspaper, movies, recording, arts, politics, etc.
“But seriously, watch our Lenten offerings starting today (kahapon) at 12:00 noon. TY!” na ang tinutukoy ay ang kanilang Lenten drama special na naging tradisyon na ng “Eat Bulaga” tuwing sasapit ang Semana Santa.
Natigil lamang ito noong magkaroon ng pandemya dahil nga pinagbawalan nang lumabas ang mga tao kaya hindi na sila nakapag-taping.
Narito ang ilang comments na nabasa namin sa ipinost ni Joey sa kanyang X account.
“Yep sa totoo lang you deserve it po.”
“Di niyo din naman deserve maging national artist. Jusko naman yuck naman.”
“Mga basurang bashers naglabasan na naman bwak bwak bwak.”
“Daming fake account dto halata Naman mga bashers mga walang respeto.”
“Ang daming bitter oh! halatang mga talunan wla ng maibato kaya mangbintang nlng ang alam! Ka2hiy mga wlang modo! Sa bagay.”
“Ikaw lng naman ang may idea nyan Sir, papansin lng baka mag trending.”
“Wala Naman nag sasabi dapat kayo gawin national artist? delulu na si joey gawin pakayo sana NA if nasa gma pakayo kaso lumipat kayo sa cheap na network na downgrade Tuloy kayo sayang kayo.”
Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ng TVJ sa isyung ito.