Zanjoe, Ria nagpakasal na; magiging nanay at tatay na rin ba?

Zanjoe, Ria nagpakasal na; magiging nanay at tatay na rin ba?

Ria Atayde at Zanjoe Marudo

IKINASAL na ang celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo sa pamamagitan ng intimate wedding ceremony officiated by Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Kinumpirma ito ng Kapamilya actor sa kanyang latest Instagram post kung saan makikitang nakasuot siya ng black suit habang naka-white dress naman si Ria na may hawak na bouquet of flowers.

Bukod dito, ibinahagi rin ng aktor ang litrato ng kanilang wedding cake at isang black and white photo nila ng kanyang wifey na tuwang-tuwa habang pinauulanan ng bulaklak.

Baka Bet Mo: Angel humirit tungkol sa pagpapakasal ni Kathryn; Dimples may warning sa KathNiel wedding

Ang caption na inilagay ni Zanjoe sa kanilang wedding photos, “03.23.24…
Happy Birthday MY WIFE!” Nag-celebrate ang anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde ng kanyang 32nd birthday last March 23.


Wala nang ibang detalyeng ibinigay si Zanjoe about their wedding pero bumuhos agad ang mga pagbati sa kanilang pagpapakasal.

Ilan sa mga unang nag-congratulate at bumati ng best wishes sa newly-married couple ay sina Maine Mendoza, Rhea Tan Marco Gumabao at Jopay Paguia.

Comment ng aktres na si Jane Oienza, “Cutieeeees!!! So happy for the both of you!!”

Pagbati naman ng kapatid ni Ria na si Gela Atayde, “Welcome to the family, kuya!”

Baka Bet Mo: Zanjoe sa mga cheater: Itutuloy mo ba o iisipin mo ‘yung mga taong masasaktan at matatapakan mo?


Sey ni Isabelle Daza na tila nagulat sa pagpapakasal nina Zanjoe at Ria,  “OMGGGGGG!”

“Congrats z and @ria!” sey ni Kaye Abad.

“Congratulations tatayyy and ate @ria!” ang bati naman ni Kyline Alcantara.

“Wow! Congrats and best wishes Z!” sabi ng direktor na si Theodore Boborol.

Samantala, marami naman ang nakapansin sa lumolobong tiyan ni Ria sa mga kumalat na litrato at video niya sa social media.

Kaya ang feeling ng netizens, pregnant na rin ang aktres. Oh well, wait na lang tayo sa susunod na announcement ng mag-asawa kung magiging parents na sila very, very soon.

Read more...