‘Charlie’s Angels’ star Cameron Diaz may baby boy na: ‘He’s really cute!’

'Charlie’s Angels’ star Cameron Diaz may baby boy na: ‘He’s really cute!’

PHOTO: Instagram/@camerondiaz

MAY baby boy na ang Hollywood actress na si Cameron Diaz!

Ang exciting news, ibinandera mismo ni Cameron at ng kanyang mister na musikero na si Benji Madden sa social media.

Sa Instagram, sinabi ng mag-asawa na sila ay “blessed and grateful” sa bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Hindi na sila nagpa-face reveal, pero pinangalanan nila itong si Cardinal Madden.

Baka Bet Mo: Ellen muling pinainit ang socmed sa super hot selfie photo, ano kaya ang reaksyon ni Derek?

“We are blessed and excited to announce the birth of our Son, Cardinal Madden [red heart, folded hands emojis] He is awesome and We are all so happy he is here! ,” sey sa IG post kalakip ang isang artwork na may katagang “A little bird whispered to me.”

Paliwanag ng couple kung bakit hindi nila isasapubliko ang itsura ng kanilang anak, “For the kids safety and privacy we won’t be posting any pictures- but he’s a really cute [happy face emoji]”

“Sending much love from our fam to yours [folded hands, red heart emojis],” wika pa.

Sa comments section, maraming fans ang nagpaabot ng “congratulatory” message sa mag-asawa at mainit din na tinanggap ang kanilang baby boy.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Welcome to the world Cardinal! This is the most magical news! [heart emoji]”

“Does he know his mother is an icon??? Congrats!”

“Omg congratulations I’m so happy for you and your family [red heart emoji]”

“So happy for the ever growing family! Grateful to hear everyone is happy & healthy [happy face with hearts emoji] congrats!”

Kung matatandaan noong 2020 nang inanunsyo ng mag-asawa ang pagsilang ng panganay nilang anak na si Reddix.

Sinabi rin nila at that time na wala silang planong ipakita ang mga litrato ng kanilang anak upang protektahan ang privacy ng kanilang pamilya.

Ilan lamang sa mga sikat na pelikulang pinagbidahan ni Cameron ay ang “There’s Something About Mary” and “Charlie’s Angels.”

Si Benji naman ay miyembro ng rock band na “Good Charlotte” na nabuo noong 1995.

Read more...