Regine bet na bet gawing National Artist For Music, aprub kayo?

Regine Velasquez bet na bet gawing National Artist For Music, aprub kayo?

Regine Velasquez

MGA ka-BANDERA, payag ba kayo sa panawagan ng mga fans na gawin nang National Artist for Music ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez?

Ito ang isinusulong ngayon ng mga supporters at social media followers ng OPM legend at TV icon matapos niyang tanggapin ang kanyang award sa Billboard Philippines’ Women in Music.

Talagang naging top trending topic ang pangalan ni Regine kahapon sa X (dating Twitter) at iba pang socmed platforms dahil sa panawagan na ibigay na sana sa kanya ng Marcos administration ang  pagkilala bilang National Artist for Music.

Baka Bet Mo: Vice Ganda nag-sideline bilang P.A. kay Regine, tinilian si Robi: Hindi pwedeng basta-basta yumayakap sa artista ko!

May mga nag-post pa sa social media ng lahat ng awards at achievements ng asawa ni Ogie Alcasid na nagpapatunay kung paano nakatulong ang Songbird sa pagpapalago ng music industry at sa OPM.


Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments mula sa mga tagasuporta ni Regine at iba pang netizens.

“A resounding YES! NATIONAL ARTIST REGINE VELASQUEZ.”

“Ms. Regine Velasquez – Alcasid journey from a young aspiring singer to an icon revered by millions exemplifies the essence of Philippine musical prowess and resilience.”

“With a career spanning over three decades, Regine Velasquez-Alcasid has showcased her exceptional vocal ability. Her influence extends beyond borders and timelines. Above all else, she’s been using her platform to champion social causes. An icon. Our National Artist for Music!”

“Her name has long been synonymous with excellence, longevity and impactful influence.Her greatness and glorious achievements for 37 years afforded her titles befitting of her stature — ASIA’S SONGBIRD and QUEEN OF THE PHILIPPINE MUSIC INDUSTRY!”

Baka Bet Mo: Regine pinaglihian si Kim: I’m a fan, kaya minsan hindi ko siya kinakausap kasi nai-starstruck ako sa kanya!

“Sharon Cuneta, Angeline Quinto, Morisette, Lea Salonga, Jaya… all praises for our
NATIONAL ARTIST REGINE VELASQUEZ!”

“She’s one of a kind; she’s not Asia’s Songbird for nothing. International artists recognize what a great performer and artist she is. Please give her the National Artist recognition! Regine deserves it!”

“Regine Velasquez gave birth to a generation of singers and how she generously supported them. Inspirasyon siya ng lahat ng batang singers. ‘Yan ay Legacy ng isang Songbird.”

Samantala, may isang netizen naman ang nag-share sa kanyang X account ng isang social media post ng National Artist for Music na si Ryan Cayabyab noong April 23, 2018.

Mababasa rito ang mensahe ni Mr. C para kay Regine, “In behalf of our many Filipino songwriters, thank you Regine for breathing life to our songs.

“Thank you for creating magic and painting varied hues and emotions to songs that we have written.

“Personally, I wish to thank you for singing many of my songs, and bringing the following to heights that I never dreamed it would achieve,” sabi ng iconic award-winning composer.

Read more...