Pia Wurtzbach muling nakita ang ‘kakambal’ na wax figure sa Singapore

Pia Wurtzbach muling nakita ang ‘kakambal’ na wax figure sa Singapore

PHOTO: Instagram/@piawurtzbach

“HAPPY to see my twin again!”

‘Yan ang masayang caption ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach matapos niyang pangunahan ang unveiling ng kanyang wax figure sa Madame Tussauds Singapore.

Sa kanyang Instagram post, proud na ibinandera ni Pia ang ilang snaps sa nasabing event.

“Singapore, that was so much fun!” sey niya sa IG.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng nagpunta upang masilayan ang kanyang wax figure sa nasabing bansa.

Bak Bet Mo: Anne pasok sa Madame Tussauds, lumebel kina Nicole Kidman at Angelina Jolie

“Thank you for coming to Madame Tussauds (especially those who flew in for this!). Everyone was such a trooper for being so game with all the activities,” mensahe niya.

Dagdag ni Pia, “Definitely such a thrilling moment reminiscing my pageant days with all of you. [blue heart emoji]”

“Happy to see my ‘twin’ again whom I fondly call Pia 2,” ani pa niya,

Ayon sa beauty queen, ang wax figure ay babandera sa nasabing museum hanggang September 1.

Maraming netizens naman ang napa-wow at hindi makapaniwala na kuhang-kuha ng wax figure ang itsura mismo ni Pia.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Wow, the wax figure looks so real.”

“At first i thought ung nakablack ung wax! [blue heart emojis]”

“I almost get confused which the real one [laughing emoji]”

“That looked really fun for you to reveal! For a moment there, I mixed up the real Pia and Pia2  [laughing emoji]”

Para sa hindi masyadong aware, si Pia ang kauna-unahang Pilipino at beauty queen na nagkaroon ng wax figure sa Madame Tussauds Hong Kong noong 2018.

Tampok diyan ang replica ng kanyang iconic Swarovski royal blue ball gown na gawa ni Michael Cinco.

Kung maaalala, ang nasabing gown ang isinuot ni Pia nang ipinasa niya ang korona sa bagong Miss Universe noong 2016.

Noong 2023 naman nang magkaroon din ng wax figure si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa nabanggit na museum.

Tampok naman diyan ang kanyang iconic lava gown by Mak Tumang, pati na rin ang kanyang sash nang magwagi siya sa international competition.

Maliban sa mga nabanggit, ang legendary boxer na si Manny Pacquiao ang isa pang Pinoy na nagkaroon ng wax figure noong 2021.

Read more...