Jun Lana sa na-X na pelikula dahil sa sex: Ano ba yung big deal du’n?

Juna Lana sa na-X na pelikula dahil sa sex: Ano ba yung big deal du'n?

Jun Lana, Elora Españo, Sue Prado, Kokoy de Santos, Miggy Jimenez at Perci Intalan

NAPANOOD na namin ang napakatapang na pelikulang “Your Mother’s Son” ni Direk Jun Lana starring Kokoy de Santos, Sue Prado, Miggy Jimenez at Elora Españo.

Ito ang magiging opening film sa pagbubukas ng “ENLIGHTEN: The IdeaFirst Film Festival” sa April 12 na gaganapin sa Cinema 11 ng Gateway Mall.

Edited version na ang na-watch namin sa press preview ng movie sa Cineplex ng Gateway. Ipinalabas na ito sa ilang international film festival sa iba’t ibang bansa na umani nga ng papuri mula sa mga manonood.

Na-X ng Movie and Television Review Classification Board (MTRCB) sa unang review ang bagong obra ni Direk Jun dahil sa mahahabang love scene at breaat exposure.

Baka Bet Mo: Kokoy de Santos shookt nang mapasama sa ‘Running Man PH’; Angel Guardian gusto nang mag-quit sa showbiz, pero…

Sa ikalawang review na ginawa ng MTRCB sa edited version ng pelikula ay nabigyan na ito ng R-18 rating.

After ng screening ng “Your Mother’s Son” ay nagkaroon pa ng presscon kung saan naglabas ng saloobin si Direk Jun, “When it comes to sex, we don’t want to talk about it. We don’t want to confront it.


“But it’s so part of our lives. It’s how we use power sometimes, di ba? Using sex. So para sa akin, ewan ko, maybe we’re just liberated people. Para sa akin, ano ba yung big deal du’n? We’re just telling a story.

“We’re just really telling a story, but you know, if they have a problem with that, ikukuwento pa rin namin without compromising our mores and our integrity,” esplika ng premyadong direktor.

Base sa napanood naming edited version, totoong napakatapang ng pelikula lalo na ang walang takot na paghuhubad at pakikipag-love scene ng mga bida pero feeling namin, hindi ito kabastos-bastos dahil kailangan talaga siya sa kuwento.

Baka Bet Mo: Glaiza, Kokoy, Buboy, Lexi, Angel napamahal na sa South Korea: Very thankful na nakauwi kami ng safe at walang nagkasakit sa amin

Ayon sa veteran filmmaker, siniguro nilang magiging maayos ang lahat ng sensitibong eksena ng apat na bida, lalo na ang threesome scene nina Kokoy, Sue at Miggy na siguradong ikagugulantang n’yo rin.


“It’s just the natural flow of narrative du’n sa ginagawa naming kuwento. And for everybody to feel safe, naka-storyboard naman yung mga love scenes, yung mga sex scenes.

“Naka-storyboard yon, so parang…dumadating nga sa point, ang boring. Boring na kasi as much as possible, ako, ayokong nag-i-storyboard, e.

“Kasi I want to have that moment of discovering something while shooting. Kapag naka-storyboard, masyado nang plakado.

“Pero dito, I wanted everybody to feel safe. So, naka-storyboard. Minsan, ipapakita ko pa yung picture sa kanila. ‘O, eto ang posisyon. Ito ang gagawin natin.’ So, para lang sure, para everybody feels safe,” lahad pa ni Direk Jun.

Pagmamalaki ng direktor, naging madali rin ang pagbuo nila sa pelikula dahil sa galing nina Kokoy, Sue, Miggy at Elora at sa pagiging game nila sa paggawa ng  maseselang eksena.

“Sa kanilang lahat, wala akong problema. Kasi siguro nagkaroon kami ng discussion.

“And even before we shot the film, pumunta na rin kami sa location. Nag-rehease kami. Nag-rehearse kami na basically kinukunan ko ng iPhone ang mga eksena.

“So nagawa na rin namin yung mga eksena na kailangan naming gawin dun sa lugar na yun. So by the time na pumunta na kami, alam na namin yung gagalawan namin.

“I mean meron kaming chemistry as a group, pero pag gumagalaw ka kasi sa isang bagong lugar, medyo nanganganay ka.

“Pero hindi na kami nanganay, kasi na-rehearse na namin. They’re all very professional naman, wala akong masabi,” aniya.

Dagdag pa niya, “Malaking bagay iyon, but more than that, I think, ang… kasi, puwede namang walang kaarte-arte, pero walang talent. Yung handa lang maghubad, pero ano ang gagawin ko, maghuhubad, kung wala akong nararamdaman, di ba?

“These are brilliant actors, no question about it. Yung maikukuwento ko lang ito kasi makakapasok ako sa mundong yon, kasi committed yung mga artista mo.

“They’re gifted performers no question about it. Yun yung una, e. Kung gifted performer ka, iko-convince kita siguro, ‘Puwede ka bang maghubad for this story?’

“Pero kung naghuhubad ka, yun lang ang…hindi kita iko-convince na maging part ng project na ito. Wala akong pakialam sa paghuhubad mo!” ang pagpapakatotong sagot pa ni Jun Lana.

Read more...