MAY pahabol na mensahe ang singer-actress na si Jayda Avanzado ngayong ipinagdiriwang natin ang Women’s Month.
Sa exclusive interview ng BANDERA, sinabi ng binansagang “Pambansang Sad Girl” na dapat ipagmalaki ng kababaihan ang pagiging sensitive, vulnerable at resilient.
Para sa kanya, ito ang ilan sa mga katangian na bumubuo sa pagiging babae.
“[It’s] owning your femininity, owning the traits the way we’re wired – ang sensitivity natin sa emotions because ganun tayo,” sagot niya nang tinanong namin sa kanya kung ano ang babae para sa kanya.
Patuloy niya, “And I think, that’s a beautiful thing to be sensitive and vulnerable, pati ‘yung resilience kasi parang feeling ko, based on stories I’ve heard and just from my experiences as well, the way we’re wired is we endure. I mean, it’s not the best word to say na mapagtiis, pero ganun ang mga babae.”
Baka Bet Mo: Jayda bet na bet ang pagiging ‘Pambansang Sad Girl’: I will take that 100%!
“Nagtitiis tayo sa mga– or we’re resilience sa mga pinagdaanan natin sa buhay in such a way that we still keep the heart,” wika pa niya.
Paliwanag niya, “Kaya nga ‘diba kapag sinasabi sa bahay, parang ilaw ng tahanan ang isang babae o isang nanay. So I feel that there’s an element of womanhood and motherhood, but for us na mga hindi pa mom diyan, I would say [having] the traits of being a woman and being sensitive and embracing that and having that, ‘yun ang strength natin.”
“That’s something to be proud of,” ani pa ni Jayda.
Kamakailan lang, naglabas siya ng bagong hugot song na may titulong “Right Lover, Wrong Time.”
Kasabay ng aming panayam, nag-open up si Jayda tungkol sa naranasan niyang heartbreak at inamin ang tungkol sa kanyang TOTGA o the one that got away.
Ayon sa singer, diyan mismo inspired ang kanyang latest single.
“The reason why I was able to call this person the right lover, wrong time because it was the first time na naramdaman ko ‘yun sa isang tao na I felt secure and felt things were going our way or going my way na ito pala ‘yung feeling na ma-value ng isang tao ng ganun of that level. And ‘yan ‘yung akala ko na what I thought I had and then obviously, circumstances happen,” kwento ng singer.
Ang “Right Lover, Wrong Time” ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms.