Josh Cullen, rapper Al James nagsanib-pwersa sa ‘Yoko Na’

Josh Cullen, rapper Al James nagsanib-pwersa sa hugot song na ‘Yoko Na’

Pauline del Rosario - March 23, 2024 - 05:41 PM

Josh Cullen, rapper Al James nagsanib-pwersa sa hugot song na ‘Yoko Na’

PHOTO: Courtesy of Sony Music Entertainment

ISANG kakaibang collaboration song ang nabuo ng P-Pop star na si Josh Cullen at breakthrough rapper na si Al James.

Ito ang bagong single na “Yoko Na” under Sony Music Entertainment.

Ayon sa dalawang music artist, ipinahayag nila sa lyrics ang mga salitang hindi nasasabi sa isang relasyon na unti-unting nasisira.

Ang kanta ay tungkol sa punong-puno ng pag-ibig at sorpresa hanggang sa isang araw ay bigla nalang ito naglaho.

Baka Bet Mo: Josh Cullen game sa aktingan: ‘Gusto ko parang psycho, ‘yung medyo uncommon’

Nakasama ni Josh sa paggawa ng track ay ang co-producer na si Brian Lotho kung saan hinaluan nila ito ng mga kakaibang sound elements.

Kabilang na riyan ang tunog ng mga bote na nabasag at mga mesa na bumabagsak.

“Well, ‘Yoko Na’ is like the product of a soul-baring session with my producer, Brian Lotho,” sey ni Josh sa inilabas na pahayag ng Sony Music.

Paliwang niya pa, “For this particular jam, we traded cliched love stories with messy, real-life situations that ordinary people encounter on a daily basis: the frustrations and struggles from past relationships, and somehow confronted it with a more mature take.”

“It’s a song that’s raw, honest, and straight from the heart,” ani pa ng Pinoy pop singer.

Kasunod niyan ay pinuri ni Josh ang ka-collab niyang rapper na si Al dahil kahit sa maikling panahon, napapayag niya ito na makatrabaho at maaga pang nakapagpasa ng mga kailangan niya sa musika.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“He’s very chill. He submitted the reworked track ahead of time and recorded his parts in less than an hour. I really admire his level of professionalism. After that, we just bonded instantly and went on a food trip,” chika ni Josh.

Ang kantang “Yoko Na” nina Josh at Al ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms worldwide via Sony Music Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending