AYON kay Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte, hindi niya paparusahan ang guro na nanigaw at nakapagbitaw ng hindi magandang salita sa mga estudyante.
“Nakita ko yung explanation niya and then, sinabihan ko ang regional office natin na there will be no penalties for the teacher,” sey ni VP Sara sa isang ambush interview.
Sambit pa niya, “Just remind the teacher that when she is angry, she has to pause. Itigil muna iyong klase.”
“And when she’s not angry anymore, saka siya magklase ulit. There’s a need to pause ‘pag galit iyong teacher. Iyon lang ang sinabi ko na i-remind sa teacher,” ani pa niya.
Ipinaliwanag din ni VP Sara kung bakit hindi na kailangang bigyan ng penalties ang viral na guro.
Baka Bet Mo: Bayambang Mayor Niña Jose viral matapos mabahuan sa mic: ‘It’s amoy maasim’
“[T]ao lang tayo lahat. Lahat tayo, inaabutan ng galit. Ang dapat natin maintindihan ay anong gagawin natin kung tayo ay galit na? And that is why, pinasabihan ko iyong teacher – Tumigil muna siya kapag galit na siya. Pag hindi na siya galit, saka siya magklase,” chika niya.
Magugunita na agad kumalat ang screen recording ng TikTok live ng guro sa iba’t ibang social media platforms dahil sa mga sinabi niya sa mga bata kagaya ng “ang kakapal ng mukha ninyo” at “wala kayong mararating sa buhay.”
Ang teacher na may-ari ng video ay may username na @Serendipitylover.”
“Hindi ako nag-board exam para lang hindi irespeto ng mga katulad nyo na wala pang nararating sa buhay. Ang kakapal ng mga mukha nyo. ‘Di nyo nga kayang buhayin mga sarili niyo. Di kayo marunong rumespeto,” sey sa bahagi ng video.
Dahil sa pinagsasabi niya, umani ang viral video ng halo-halong reaksyon mula sa madlang pipol.
Matapos ang insidente, binigyang siya agad ng show cause order, ayon kay DepEd Assistant Secretary Francis Bringas.