Shaira Moro pumalag sa body-shamers: ‘Sa chubby mo makikita ang ganda!’

Shaira Moro pumalag sa body-shamers: ‘Sa chubby mo makikita ang ganda!’

PHOTO: Facebook/Shairaa Moro Singer

NANANATILING “unbothered” ang binansagang Queen of Bangsamoro Pop na si Shaira Alimudin o mas kilala sa stage name na Shaira Moro.

Ito ay sa gitna ng kinakaharap niyang copyright issue sa viral song na “Selos.”

Magugunita na naging usap-usapan ang pagtsugi ng nasabing kanta sa mga streaming platform dahil sa umano’y pagkopya ng tunog at melody nito sa 2008 song na “Trouble is a Friend” ng Australian singer na si Lenka.

Ngunit sa kabilang ng kontrobersiya, ibinandera ni Shaira na maglalabas siya ng panibagong single na tungkol sa pagiging “proud chubby” niya.

Baka Bet Mo: EA hirap na hirap sa kundisyon ni Shaira…’kasal muna bago sex’

Sa Facebook, pumalag ang OPM singer laban sa body-shamers na walang tigil na nilalait ang kanyang katawan.

“Ilalabas na po ang isa sa mga bago kong kanta soon‼ Daming nagsasabi at nagmumungkahe na dapat daw magpapayat ako dahil celebrity na daw ako kaya dapat maganda ang body figure,” caption niya.

Sey pa niya, “Sorry po, di po ako artista, local artist lamang po ako and I am proud to say na sa chubby mo makikita ang ganda.”

Iginiit din ng singer na ang tlayunin niya sa upcoming song ay magpakalat ng good vibes habang ine-empower ang mga “chubby.”

“Lahat ng chubby o mataba around the globe mag-ingay! Good vibes lang,” wika niya.

Nang i-check namin ang naturang post, kasalukuyan na itong burado sa hindi malamang dahilan.

Samantala, wala pang update si Shaira tungkol sa legal action at copyright concerns na kanyang hinaharap.

Read more...