Sinu-sinong Kapuso ang mapapasama sa Showtime ng GMA?

Sinu-sinong Kapuso ang magiging regular host ng It’s Showtime sa GMA 7?

Ervin Santiago |March 20,2024
facebook
share this

Sinu-sinong Kapuso ang magiging regular host ng It’s Showtime sa GMA 7?

Ervin Santiago - March 20, 2024 - 07:45 PM

Sinu-sinong Kapuso ang magiging regular host ng It's Showtime sa GMA 7?

Ang muling pagsasanib-pwersa ng GMA 7 at ABS-CBN para sa ‘It’s Showtime’

PINAGHANDAAN talaga nang bonggang-bongga ng “It’s Showtime” hosts ang pagtungo sa GMA Network para sa isang makasaysayang araw sa telebisyon.

Mixed emotions daw ang naramdaman ng lahat ng taong involved sa noontime show ng ABS-CBN na mapapanood na rin sa GMA 7 sa susunod na buwan.

Ayon sa Kapamilya host-comedian na si Vhong Navarro, hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na ito, March 20, na maituturing na historical moment para sa madlang pipol at sa mga Kapuso viewers.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ito na ang ikalawang collaboration ng “It’s Showtime” at Kapuso Network  matapos ngang magsanib-pwersa ang ABS-CBN at GMA 7 sa pamamagitan ng pagpapalabas ng nasabing programa sa GTV.

At ngayong Miyerkules nga, ginanap ang “It’s Showtime sa GMA Contract Signing” sa Studio 7 ng GMA kung saan nagkita-kita ang mga bossing ng dalawang giant network.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kanina kay Vhong, sinabi nitong grabe ang kaligayahang nararamdaman nilang lahat sa show – talagang feeling grateful and thankful.

“Tito Boy talagang pinaghandaan po namin ang araw na ito dahil napaka-espesyal po ng papasukan naming bahay – bagong bahay,” sey ng komedyante.

Patuloy pa niya, “Halo-halo ang emosyon ko Tito Boy, kanina naging iyakin kami dahil sa nararamdaman naming saya at ang hirap paniwalaan na nangyayari ngayon ito na ang It’s Showtime from GTV e papasok na kami sa GMA.

“Siyempre dalawa na ang (channel) na paglalabasan namin ngayon so, doble ang gagawin naming pagpapasaya sa madlang pipol at madlang Kapuso,” aniya pa.

Sa tanong kung sinu-sino ang papasok na Kapuso stars sa “It’s Showtime”, “’Yung papasok po na mga Kapuso stars, parang inaayos na po kung daily po, kung iba-iba or magiging regular po. So, inaayos lang po Tito Boy.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Bukod kay Vhong, present din sa naganap na historical contract signing ang iba pang hosts ng show tulad nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Karylle, Ryan Bang, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Ion Perez, MC, Lassy, Jackie Gonzaga, Cianne Dominguez, at Darren.

Present din sa event sina GMA Chairman Atty. Felipe L. Gozon, President and Chief Executive Officer Gilberto R. Duavit Jr., Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, and Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group, and President at ang CEO ng GMA Films Atty. Annette Gozon-Valdes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naroon din sina ABS-CBN Chairman Mark L. Lopez, President and Chief Executive Officer Karlo L. Katigbak, Chief Operating Officer Ma. Socorro V. Vidanes, and Group Chief Financial Officer Ricardo B. Tan Jr..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending