Ina ni Sarah inokray sa paggamit ng plastic nang pakainin ang kasambahay

Ina ni Sarah inokray sa paggamit ng plastic nang pakainin ang kasambahay

Esther Lahbati

NANG dahil sa paggamit ng plastic container sa ibinigay na pagkain sa kanilang driver ay na-bash nang bongga ang ina ni Sarah Lahbati.

Nag-ugat ang pang-ookray sa nanay ng aktres na si Esther Lahbati nang mag-post siya sa Instagram ng isang short reel na may titulong “Lunch Saturday Chill.”

Mapapanood sa video si Ginang Esther na nagsasandok ng ginisang bunga ng malunggay. Nagluto rin siya ng tinolang manok at sinangag na Basmati rice.


Para raw sa kanilang driver na parang pamilya na rin daw ang kanilang turing,
ang kanyang mga sinasandok na pagkain.

Baka Bet Mo:  Toni Fowler sinabihang ‘plastic’ si Rendon Labador, Zeinab Harake ‘ma-attitude’ raw

Ang nakalagay na Caption sa IG reel, “#Our lunch for today tinolang manok with papaya,lemon grass,luya,onion and garlic plus sautéd bunga ng malunggay at dahon ng malunggay healhty living.

“Galing ang gulay sa bakuran ni aling Esther,” aniya pa.

Mababasa sa comments section ang ilang positibong reaksyon ng netizens dahil sa maayos na pagtrato ng pamilya ni Sarah sa kanilang driver at mga kasambahay.

Ngunit may ilan pa ring nangnega sa nanay ni Sarah. Partikular nilang pinuntirya ang mga pinaglagyan nito ng ng pagkain, ang wala nang lamang mga cup noodles at microwavable plastic container.

Banat ng isang hater, “Tingnan mo naman ungmplato nila mga Morrocan plates.Sana nman sana may sarili sila mga mangkok.di ung sa pinaglagyan ng noodles .Panapon na un…Kala mo lang ok pero masakit un sa tulad ing mahihirap.na ilagay mo ung ulam sa ganung lalagyan.”

Niresbakan agad siya ni Ginang Esther at sinabing, “Meron po madam sariling Plato ang mga employees namin bakit ba ano ba problema nyo? mind your own.”

Baka Bet Mo: Epal na basher binengga ng ina ni Sarah Lahbati: Isara mo na lang bibig mo!

Sunud-sunod din ang ginawang nagtanggol ng netizens sa nanay ni Sarah kaya naman todo pasalamat ito sa kanyang mga IG followers.

“Daming issue sa lagayan ah OK naman yan ganyan din mama ko kahit lagayan NG ice cream hinahanap kapag nawala mga tao ngayon masyadong perfect hayyss.”

“Lala ko ba lumaki tayo na gamit plastic maski pag tago ng ulam sa freezer mapa mayaman man o mahiral nilalagay sa ice cream container.”

“Grabe mga tao pati nilagyan ng pagkain isyu ang dapat mag reklamo nyan yung driver mismo hindi kayo.”

“Same po kayo ni mama recycle muna natin lahat; importante masaya sa bahay. God bless po.”

Medyo napahaba naman ang litanya ng isang netizen, “Bakit ngayon, matapubre agad kasi nag serve ka ng food gamit plastic. Naku ha nag level up na talaga pinoy pero d man lang marunong lumingon sa nakaraan.

“Nagkakamay pa nga kayo kapag kumakain kayo diba? O wag mag lie. Nasa US na ako pero nag seserve pa rin ako misnan gamit plastic containers kahit sa Amerikano na asawa ko.

“Oo GETS KO NA PLASTIC is not safe for health purposes pero wag naman niyo husgahan ang isang tao na matapobre dahil lang plastic pinagamit sa driver.

“Tignan niyo naman pagkain sa container, masarap at marami servings d katulad ng ibang amo, itlog lang pinapakain sa kasambahay at tira tira”
Pagsang-ayon ni Esther, “Thank you po for your kind understanding.”

Mensahe naman ni Esther sa mga dumepensa sa kanya, “Thank you po mam simpleng tao lang kami hindi kami mayaman pero nakakaraos naman.”

“Thank you so much po sa mga naka appreciate sa video ko at salamat den pi sa mga bashers ko,” aniya pa.

Read more...