Kristine Hermosa thankful kay Mr. M: You’ve made a great impact in my life

Kristine Hermosa thankful kay Mr. M: You've made a great impact in my life

Kristine Hermosa, Johnny Manahan, at Oyo Boy Sotto

LABIS ang pasasalamat ng aktres at celebrity mom na si Kristine Hermosa sa dating Star Magic Head na si Johnny Manahan o mas kilala bilang Mr. M.

Sa kanyang Instagram post ay nagbigay pugay siya kay Mr. M na isa sa naging instrumento kung bakit naging matagumpay ang kanyang showbiz career.

“We may not see each other as often as before.. but please know how much you both mean to me,” saad ni Kristine.

Pagpapatuloy pa niya, “You’ve made a great impact in my life and I thank God for paving the way for us.”

Baka Bet Mo: Kristine buntis uli sa ika-6 na anak nila ni Oyo: Parang laging 1st time!

Bukod pa rito, inamin niyang isa si Mr. M sa mga naging instrumento ng Diyos para sa pagsasakatuparan ng mga pangarap ng mga kilalang artista na ngayon kaya marami ang nagmamahal rito.

“It was all part of His beautiful plan. You’ve been an instrument of God’s love to be experienced by all, kaya ang daming nagmamahal sa inyo,” sey ni Kristine.

“I LOVE YOU both so much, Ninong Mr.M & Tita Mariole!!” dagdag pa niya.

Kalakip ng post ni Kristine ay ang mga larawan nila ni Mr. M kasama ang asawang si Oyo Boy Sotto at Mariole Alberto.

Marami naman sa mga netizens ang natutuwa na muling makita ang “Pangako Sa ‘Yo” star sa mga ganitong events.

“It’s nice to see you tin na nakipag connect ka sa mga taong nkasama mo sa past mo.
Naalala ko Ing sino kaya sa mga big bosses ng abs yung ng down ng career mo. You are pitted against Toni and Anne. Then from primetime ginawang panghapon ka, through prinsesa ng banyera. But anyways kung sino man ng let down sayo I’m glad hindi si Mr M yun,” comment ng isang netizen.

May iba naman na nangungulit na mag-comeback project na sila ng dating karelasyon at ka-loveteam ba si Jericho Rosales.

Sabi naman ng isa, “So happy that [you’re] back at least dito [emojis] Please tin pag bigyan mo namn ang mga puso namin isang movie with Echo @jerichorosalesofficial please po [emojis]. Tagal tagal nanaming pinag dasal yon d man [lang] nangyayari.”

“Ang sayang nakita namin kayo ulit magkasama @khsotto@claubarretto
@beaalonzo in one event dati rati sa ASAP lagi kapag anniversary ng star magic then kayo lagi ang nasa unahan dahil kayo ang big stars noong early 2000’s kayo lagi ang bida sa teleserye at nakatatak kayong lahat sa mga teleserye at box office queens of star magic! nakakamis ang mga panahon
na yun.. si Bea yung teenage star nyo noon bago nagsidatingan ang madami,” sey naman ng isa.

Sa ngayon ay buntis si Kristine sa ika-anim na baby nila ni Oyo Boy Sotto.

Read more...