Megastar huling nagbabalot ng handa: 'Si Sharon, shuma-sharon'

Megastar huling nagbabalot ng handa: ‘Si Sharon, shuma-sharon’

Therese Arceo |March 19,2024
facebook
share this

Megastar huling nagbabalot ng handa: ‘Si Sharon, shuma-sharon’

Therese Arceo - March 19, 2024 - 04:10 PM

Megastar huling nagbabalot ng handa: 'Si Sharon, shuma-sharon'

Sharon Cuneta

KINAALIWAN ng madlang pipol maging ng mga celebrities ang pagkakahuli kay Megastar Sharon Cuneta na nagbabalot ng mga handa mula sa birthday party.

Present kasi ang singer-actress sa birthday ng kanyang pinsan na si Gian Sotto, anak nina dating senador Tito Sotto III at veteran actress Helen Gamboa.

Nag-post naman si Ciara Sotto, pinsan ni Sharon ng video na kuha mula sa birthday na uploaded sa kanyang Instagram page.

“Happy Birthday to the best Kuya in the universe!!! [emojis]And the best Vice Mayor ever! [emojis] Thank you for all that you do and all that you are. [emojis] Ilove you so very much… more than I could ever show,” saad ni Ciara.

Baka Bet Ko: Sharon sa pagdedemanda ni Kiko ng cyberlibel: It was really kababuyan!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Samantala, namataan naman sa naturang video si Sharon na naglalagay ng mga pagkain sa kanyang hawak hawak na container.

Habang nagbabalot ay binati ng Megastar ang kanyang pinsan.

“Pasensya na. Happy birthday my brother Gian. I love you so much and thank you for my balutin mo ako ng hiwaga… This one is for my babies, my husband, and my children,” sey ni Sharon.

Maririnig naman ang hagalpak na tawa ni Ciara sa background.

Hirit pa niya, “Ako na ‘to, si Sharon, huwag kayong mahiya basta nagpaalam ako, matinong nagpaalam.”

Matatandaang sa naging panayam niya kay Ogie Diaz nausisa ang Megastar kung hindi raw ba siya nao-offend kapag ginagamit ang pangalan niya sa tuwing may nagbabalot ng pagkain sa mga handaan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tuwang-tuwa ako. Kasi siyempre minsan nadadaanan mo sa YouTube, TikTok o kaya sa Facebook ‘yun mga may picture ko nasa buffet table tapos may ekis… Na-touch ako. Ang cute naman at least naalala ako, di ba,” sey ni Sharon.

Nagmula ang biro na ito na kalakip na ang pangalan ng Megastar sa mga nagbabalot sa handaan dahil sa kanyang kantang “Bituing Walang Ningning”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending