Promise ni Kim kay Paulo: Marunong akong magluto at maglaba, alagaan kita!

Promise ni Kim kay Paulo: Marunong akong magluto at maglaba, alagaan kita!

MAY binitiwang pangako ang Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu para sa kanyang leading man na si Paulo Avelino.

Muli ngang magtatambal ang KimPau sa Pinoy version ng hit Korean romcom series na “What’s Wrong with Secretary Kim?” at ngayon pa lang ay talagang abangers na ang kanilang fans and supporters.

Bilang bahagi ng kanilang promo ay nag-guest sina Kim at Paulo sa “It’s Showtime” kung saan may pasampol pa silang production number na talagang ikinatuwa ng mga manonood.

Natanong sina Kim at Paulo ng mga co-host ng aktres sa noontime show kung ano ang masasabi nila sa muling pagtatambal sa isang teleserye.

“Parang halos one year din na dire-diretsong katrabaho ko si Kimmy and masasabi kong mas nakikilala ko siya habang patagal nang patagal,” sey ni Paulo.

Baka Bet Mo: Paulo Avelino dumalaw sa It’s Showtime, Kim Chiu tinukso-tukso

Sabi naman ni Kim, “From Linlang tapos dinirecho namin sa What’s Wrong with Secretary Kim? Masaya naman akong kasama si Paulo, katrabaho. Sobra siyang dedicated sa trabaho so nahahawa na rin ako.”

“This is a feel-good project and nakaka-happy to do a Philippine adaptation ng isang sikat na Korean drama,” dagdag ni Kim.

Nang tanungin si Paulo kung anong posisyon ang ibibigay niya kay Secretary Kim kung ipo-promote niya ito, “Hindi ko alam kung promotion ang tawag du’n, pero housewife.”

Sabay baling kay Kim, “Nag-TESDA ka na ba?”

“Nag-TESDA na ako. Marunong na ako magluto, mamalantsa, maglaba. Alagaan kita,” natatawa namang sagot ng dalaga.

Samantala, umaapaw na kilig at “tatak Pinoy” talaga ang ibibida nina Kim at Paulo sa local adaptation ng K-drama na “What’s Wrong With Secretary Kim” na eksklusibong mapapanood na ngayon sa Viu.

Ibinahagi ni Kim na makaka-relate ang mga manonood sa Viu original adaptation dahil ipapakita rito ang kultura ng mga Pilipino.

“As proud Pinoy, maraming nilagay ang mga writers namin and everyone involved sa paggawa ng ‘Secretary Kim’ the Philippine version. Maraming Filipino touch such as family oriented or ‘yung mga more comedy side.

“Actually kapag pinanood mo siya side by side, medyo parehas siya (sa Korean counterpart). Pero ‘yung story namin is more Filipino and mas nakaka-relate ‘yung karamihan,” sabi ni Kim sa mediacon ng serye.

“There’s always pressure whenever you do an adaptation. But what we did was to stick to the script and be true to our culture to show how well we can do it as Filipinos,” dagdag ni Paulo.

Ipamamalas din ng KimPau ang kanilang pangmalakasang chemistry dahil siksik sa kilig at good vibes ang mapapanood sa kauna-unahan nilang romcom serye bilang ang kanilang mga karakter na sina Secretary Kim (Kim) at Brandon Manansala Castillo o BMC (Paulo).

“This one’s gonna be really different. Kung naghahanap kayo ng magpapasaya, magpapatawa, at magpapakilig sa inyo, ito ‘yung palabas na dapat ninyong subaybayan.

“Coming from very heavy and serious characters, I’m happy to be given a chance to play a role like this. Nakaka-excite,” sabi ni Paulo.

Kwento pa ni Kimmy, “It’s a combination of kilig, romance, family, friendship, about ambition and dreams. After you watch the show, feel-good lang. Something to smile about. We promised them na hindi sila mabibigo.”

Mula sa direksyon ni Chad V. Vidanes, sinusundan ng “What’s Wrong With Secretary Kim” ang kwento ng mahusay na sektretarya na si Secretary Kim at ang perpekto niyang boss na si BMC. Unti-unti nilang madi-diskubre na inlove sila sa isa’t isa nang biglang mag-resign si Secretary Kim mula sa kanyang posisyon.

Kasama rin sa serye sina Jake Cuenca, Janice De Belen, Romnick Sarmenta, Angeline Quinto, Pepe Herrera, Franco Laurel, JC Alcantara, Kaori Oinuma, Gillian Vicencio, Yves Flores, Cai Cortez, Phi Palmos, Kat Galang, at Brian Sy, kasama ang special participation ni Kim Won Shik.

Read more...