Claudine pak na pak ang ganda at freshness, hirit ng netizen: Retokada!?

Claudine pak na pak ang ganda at freshness, hirit ng netizen: Retokada!?

NAGPARETOKE nga ba ang aktres na si Claudine Barretto tulad ng mga patutsada sa kanya ng ilang loitering bashers sa social media.

Inasar-asar kasi ng ilang netizens ang aktres nang ibandera niya ang mga litrato nila ni Johnny Manahan o Mr. M sa social media.

Kuha ang mga pictures sa “Night of 100 Stars” surprise tribute para sa dating head ng Star Magic na ginanap sa Marriott Hotel last Saturday, March 16.

Sa caption na kanyang inilagay, Nagpasalamat si Claudine kay Mr. M na aniya’y naging mentor at tatay-tatayan niya sa ABS-CBN at sa kanyang showbiz career.

Nag-thank you din siya sa ABS-CBN executive na si Mariole Alberto.

“To My Mentor, my 2nd Father, the Man who makes every little girl‘s Dreams come true, the Man who sincerely believes in you even when you don’t believe in yourself THANK YOU Tito Johnny.

Baka Bet Mo: Claudine, Julia pinatunayang bati na, sweet na sweet sa party ni Mr. M

“MR.M, Coach & Father. to Showbiz’s DREAM MAKER THANK YOU WILL NEVER BE ENOUGH.and to the MAGIC BEHIND HIM, Our 2nd Mom TITA MARIOLE thank u for your unwavering love for us your children, You never gave up on all of us.

“WE LOVE YOU BOTH SO MUCH! #mrmnightof100stars (stars emojis),” ang kabuuang mensahe ni Claudine.

Maraming pumuri sa itsura at katawan ngayon ni Claudine. Bet na bet din nila ang magandang awra ng aktres at parang super happy daw nito sa estado ng kanyang buhay.

Ngunit may ilan ngang nambasag sa aktres, ang isa’y um-agree na nag-return of the comeback nga ang ganda at kafreshnesan ni Claudine pero dahil daw ito sa kanyang pagpaparetoke o cosmetic surgery.

“Gumanda na ulit sya after how many thanks Dr. (read: retoke) But glad she managed to get back her face again,” ang nakakalokang komento ng hater sa aktres.

Hindi ito pinalampas ni Claudine at talagang sinagot niya ang netizen. Ipinamukha niya sa netizen na hindi pa siya nagparetoke o sumailalim sa cosmetic surgery.

Pero umamin ang aktres na may ipinagawa siyang ilang facial treatment at procedure sa katawan, pero wala aa kanyang face.

Sey ni Claudine, “I have never done any work on my face po.

“My body yes but proud to say st 44 never pa po ako nag pa botox or surgery except mgs thermage, ulthera, hi fu at exilis po. thank you po & Godbless,” aniya.

Read more...