EA Guzman sa ‘no sex before marriage’: Kung kaya ko, kaya n’yo rin!

EA Guzman sa 'no sex before marriage': Kung kaya ko, kaya n'yo rin!

EA Guzman at Shaira Diaz

IN FAIRNESS, talagang LODI at hinahangaan ngayon ng mga kababaihan ang Kapuso actor-dancer na si EA Guzman.

Ito’y dahil sa sobrang pagmamahal at pagrespetong ibinibigay niya sa kanyang long-time girlfriend at fiancée na si Shaira Diaz.

Naging hot issue at top trending topic sa social media ang tungkol sa pagiging celibate dyowa niya kay Shaira sa loob ng 11 years.

Sumusumpa si EA na hanggang ngayon, makalipas ang mahigit isang dekadang relasyon, ay hindi pa rin sila nagse-sex ng Kapuso actress-TV host.

Baka Bet Mo: Edgar Allan pangarap makatrabaho ang dyowang si Shaira; pinatunayan kung gaano kabait si Alden

Pinaninindigan din ng Kapuso couple ang pangako nila sa kanilang respective families na hinding-hindi sila magsasama at magsisiling hangga’t hindi sila kasal.

Sey ni EA, ngayong engaged na sila ng Shaira, mas kakayanin daw niya ang magtiis at maghintay kung kailan magiging ready ang dalaga na magpakasal.

At dahil nga riyan, maraming kababaihan pati na rin ang mga kalalakihan ang nagsasabing hanga sila sa pagkontrol ni EA sa pagiging celibate at pagtitiis na walang involved na sex sa relationship nila ni Shaira.


“Ang sarap lang din basahin nung mga nakikita kong comments and write-up about us, about Shaira and me,” ang reaksyon ni EA nang makachikahan namin sa launching ng “Best Time Ever” campaign ng GMA 7 para sa ilan nilang pambatong programa.

Baka Bet Mo: EA Guzman ipinagmalaki ang pagiging virgin ni Shaira Diaz: ‘Nangako ako sa kanya na hindi ako magloloko, para sa akin sacred siya’

Present sa event ang aktor bilang isa sa cast members ng longest-running gag show sa bansa na “Bubble Gang.”

Pagpapatuloy ni EA, “Siguro sinasabi nila na hanga sila, idol ganyan. Maraming salamat kasi mahirap din sa akin. Hindi siya madaling gawin.

“Kumbaga ang dami ko ring sacrifices pero ‘yun nga ginawa ko ‘yun because of Shaira, dahil mahal ko si Shaira,” sey pa ng award-wining actor.

Dagdag pang chika ng future husband ni Shaira, “So sa lahat ng mga humahanga, maraming salamat po and kaya ninyo rin ‘yan. Kung kaya ko, kaya ninyo rin ‘yan.

“So kami lang naman ni Shaira hindi namin ‘yun sinabi or in-announce because gusto lang namin magpasikat. Gusto rin namin na may mapulot silang magandang lesson sa amin. About sa relationship namin and ‘yung love namin sa isa’t isa,” sabi ni EA.

Read more...