Heart ready na sa showbiz comeback, miss na miss ang pag-arte

Heart ready na sa showbiz comeback, miss na miss ang pag-arte

PHOTO: Instagram/@iamhearte

MATAPOS ang sunod-sunod na fashion event, mukhang magiging abala naman ang fashion icon na si Heart Evangelista para sa pinaghahandaang showbiz comeback.

Sa report ng “24 Oras,” inamin ni Heart na nami-miss na niya ang pag-arte.

Ibinunyag niya rin na pinipili niya at ng kanyang management nang mabuti ang magiging upcoming project niya.

“I have a really good relationship with of course, my family sa GMA and we’re very, very peaky kung ano ba ang pwedeng story line,” sey niya sa naging panayam ng entertaionment reporter na si Nelson Canlas sa nasabing evening newscast.

Ani pa niya, “I have a few stories that I personally want to work on. Nakaka-miss naman din talaga.”

Baka Bet Mo: Liza Soberano ayaw nang mag-artista pagdating ng edad 30: I want to learn how things work behind the scenes

Kamakailan lang nang mag-viral sa social media ang pagiging cover girl ni Heart sa prestigious luxury fashion magazine ng Malaysia na GLAM.

Ibinandera ng Pinay aktres at global influencer ang iba’t iba paandar na OOTD, hairstyle at make-up.

Kabilang na riyan ang bonggang litrato niya na kuha pa dito sa Maynila with the iconic Cultural Center of the Philippines (CCP) bilang background.

Kung matatandaan, August last year nang mag-renew ng kontrata ang socialite sa Sparkle GMA Artist Center.

Present pa nga sa contract signing event ang ilang big boss ng TV network kabilang na sina GMA senior vice president Annette Gozon-Valdes, Sparkle vice president Ms. Joy Marcelo, at consultant na si Johnny Manahan.

Nauna na ring iniulat ni Nelson na magkakaroon ng show si Heart.

“Aside from her international projects, Heart plans to do more shows with the Kapuso Network that touches on things that are close to her heart,” sey ng reporter sa kanyang IG post.

Ilan lamang sa mga sumikat na proyekto ng global fashion influencer ay ang “Mulawin vs. Ravena,” “Panday,” “I Left My Heart in Sorsogon,” pati na rin ang mga pelikulang “Temptation Island” at “Trophy Wife.

Read more...