MUKHANG kinilig ang South Korean star na si Park Min-Kyu nang makita ang aktres na si Nadine Lustre.
Sa Instagram, ibinandera ni Min-Kyu ang isang video na magkatabi ang dalawa habang nagpo-pose sa kani-kanilang camera.
Nangyari ito sa dinaluhan nilang event ng luxury brand na Bvlgari sa South Korea.
Aminado ang aktor na nagandahan siya kay Nadine at sinabi pa na natutuwa siya na nakatabi niya ang aktres.
“She was really beautiful,” sey ni Min-Kyu sa caption.
Dagdag pa niya na makikita sa comment section, “I’m glad to be next to her [smiling face emoji].”
Sa comment section, maraming Pinoy netizens ang nagulat st hindi makapaniwalang mapupunta sa Instagram page ng Korean star si Nadine.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Hahaha was not expecting to see Nadine here [laughing emoji].”
“Yesss! Our Nadine Lustre from the Philippines, Sir! [smiling face with heart eyes emoji].”
“I thought I was seeing another account of Nadine [laughing emoji] surprised I saw you with her.”
“Nadine and Mingkyu oh my Gosh!!! [smiling face with heart eyes emoji]”
“Oh you’ve met Nadine Lustre? Thanks for appreciating the beauty of a Filipina…[smiling face with heart eyes emoji]”
“Didn’t see this coming!!! [smiling face with heart eyes emojis]”
Si Min-Kyu ay kilala sa kanyang pinagbibidahang K-Drama na “Single’s Inferno” Season 3.