GO, GO, GO! na raw talaga ang pag-ere ng “It’s Showtime” sa GMA 7 na siyang papalit sa dating oras ng natsuging “Tahanang Pinakamasaya“.
Plantsado na raw ang pagpapalabas ng Kapamilya noontime show sa Kapuso Network at anytime soon ay maglalabas na ng official announcement ang GMA tungkol dito.
Sa latest YouTube vlog ng talent manager na si Ogie Diaz na “Showbiz Update” nabanggit nga ang balitang nakapagdesisyon na ang mga bossing ng GMA na ipalabas ang “It’s Showtime” sa iniwang oras ng “Tahanang Pinakamasaya.”
Baka Bet Mo: ‘Tahanang Pinasara’: Programa nina Paolo at Isko inokray-okray ng bashers
“Ang ‘Showtime’ na ang hahalili sa Tahanang Pinakamasaya. Oo! Jusko, ayan! And according to our source from GMA 7 camp, antayin na lamang daw natin this week ang gaganaping mediacon ng mga bossing ng GMA at ABS-CBN.
“Kasama na riyan ang hosts ng ‘It’s Showtime’ para pormal na i-announce ang pagtuntong ng ‘It’s Showtime’ bilang bagong noontime show ng GMA 7 kapalit ng ‘Tahanang Pinakamasaya,’” ang pahayag ni Papa O.
Patuloy pa niyang chika, “Kung block timer ba ang ABS-CBN or revenue sharing ang mangyayari, naku, ayoko nang umepal, ha? Kaya hayaan na nating sila mismo ang mag-announce.”
Baka Bet Mo: Noontime show nina Luis at Melai papalit sa Tahanang Pinakamasaya?
“Sabi pa ng aking source, plantsado na ang lahat kaya let’s just wait and see kung tama ang aking source, ha!” sabi pa ng content creator.
Ang magiging isyu nga lang daw dito ay kung papayagan bang mag-promote ang mga artista ng ABS-CBN ng kanilang mga teleserye at iba pang projects sa “It’s Showtime”.
Eh kasi nga, ngayong umeere na sa GTV ang “It’s Showtime” ay hindi pwedeng banggitin ang mga shows ng ABS-CBN dahil sister channel ito ng GMA-7.
“Kasi nga, nasa GTV sila, behave sila sa pagbanggit ng title ng show kaya mga padaplis lang, mga pailalim lang ‘yung pagbanggit ng ‘It’s Showtime’ hosts kapag may nagpo-promote.
“Eh, lalo pa ngayon. Kung nasa GMA na ang ‘It’s Showtime,’ lalong hindi sila (pwedeng) mag-promote.
“Kahit nandu’n pa si Kim Chiu, hindi niya pwedeng i-promote ‘yung ‘What’s Wrong with Secretary Kim (bago niyang serye with Paulo Avelino,’” pagayag pa ni Papa O.
Samantala, may mga nakakausap naman kaming mga taga-GMA na nagsabing parang hindi sila aprub na ang “Showtime” nina Vice Ganda, Anne Curtis at Vhong Navarro ang ipalit sa “Tahanang Pinakamasaya.”
Sana raw ay gumawa na lang ng bagong show ang network para na rin sa isyu ng “identity” o di kaya’y i-extend na lang ang oras ang “TiktoClock” nina Pokwang at Kim Atienza.
Oh well, abangers na ngayon ang lahat kung matutuloy nga ang pag-ariba ng “It’s Showtime” sa GMA 7. Kayo dear BANDERA readers, truth or chart?