Muling ibinandera ni Rayver sa harap ng entertainment media ang wagas niyang pagmamahal kay Julie Anne.
Ipinagsigawan ng aktor na araw-araw pa rin siyang kinikilig sa kanyang girlfriend at mas lalo pa siyang nai-in love sa dalaga sa bawat araw na pinagsasaluhan nila.
Nakachikahan namin ang JulieVer at ng ilan pang miyembro ng showbiz press sa mediacon ng “Sparkle Goes To Canada” tour nitong nagdaang Tuesday, March 12.
Nakasama rin nila sa presscon sina Barbie Forteza, David Licauco, Bianca Umali at Ruru Madrid. Sila ang napiling mag-perform sa unang international event ng Sparkle na magaganap sa April 5 at 7, 2024.
Nang makausap ng press si Julie Anne after ng event ay natanong siya kung ano ang reaksyon niya sa naging pasabog na statement ni Rayver about her.
“Oo naman! Araw-araw akong kinikilig. Araw-araw niya rin akong pinapakilig. Tsaka ano, e, kasi si Ray, napakadali niyang mahalin,” sagot ng actress-singer.
Sey naman ni Rayver, “For me kasi, parang araw-araw Valentine’s Day kasama ko si Julie. Alam ko ang cliché, pero talagang kinikilig talaga.
“Especially kapag nakikita ko siya sa stage at kamakailan na nag-concert siya. In awe talaga ako palagi,” aniya pa.
Samantala, natanong din sina Julie Anne at Rayver kung ano ang masasabi nila sa sunud-sunod na breakup sa showbiz, kabilang na riyan ang paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at nin Bea Alonzo at Dominic Roque.
Sey ni Julie Anne, “E…hindi ko alam sasabihin ko, e. Siyempre, nakakalungkot po talaga. Kumbaga kasi, kung para sa yo talaga, para sa yo, e.
“Kung hindi talaga, ibig sabihin, may better na darating para sa yo. Kumbaga, pampatatag din ng puso,” chika pa ni Julie Anne.
Samantala, excited na rin ang Kapuso star na makatrabaho uli ang star builder na si Johnny Manahan o Mr. M na siyang direktor ng kanilang Canada tour.
“Actually, yung last work namin together ni Mr. M was during The Voice Generations.
“So, sobrang excited ako kasi first time kong makaka-work si Mr. M sa isang concert or sa isang show na out of the country. Masarap katrabaho si Mr. M tsaka talagang tututukan niya lahat,” ani Julie.
Sey pa niya tungkol sa kanilang concert tour sa Canada, “Parang siguro yung mindset kasi namin is really to make them happy and really entertain.
“Kasi yun ang goal namin, e, is to bring them closer to our home, to home. Kumbaga yung mga na-miss nila sa Pilipinas, ibibigay namin sa kanila.”
Ang first show ng “Sparkle Goes To Canada” sa April 5 ay gaganapin sa Southview Alliance Church, Calgary, Canada habang sa April 7 naman ang second show sa Toronto Pavillion, Toronto.