Comedy group na ‘The KoolPals’ 5 years na, may bonggang anniversary show

Comedy group na ‘The KoolPals’ 5 years na, may bonggang anniversary show

PHOTO: Courtesy GNN

HUMANDA nang humalakhak mga ka-BANDERA!

Magkakaroon kasi ng ultimate comedy extravaganza ang Pinoy comedy group na “The KoolPals” sa darating na Mayo.

Ito ay para sa pagdiriwang ng kanilang 5th anniversary sa mundo ng podcasting.

Bongga ang inihanda nila para sa fans na tinawag nilang “ The KoolPals Block Party: a Stand-Up Comedy + Music Special” na gaganapin sa 123 Block sa Mandaluyong City sa darating na May 11, 3 p.m.

Baka Bet Mo: Melai Cantiveros ‘napabulagta’ nang makita ang ultimate crush na si Jericho Rosales

Maliban sa stand-up comedy, sasamahan rin sila ng ilang pamatay na musical acts.

Kabilang na riyan sina Kween Yasmin, Eloisa, Lion and the Scouts, Tanya Markova, Dilaw, at Johnoy Danao.

PHOTO: Courtesy GNN

Ang “The KoolPals” ay binubuo ng mga miyembro ni Godfather of Comedy Manila GB Labrador, Mr. batang 90s Heneral James Caraan, Master of Izzinit Nonong Ballinan, resident Car Guy, Muman Reyes at Ryan Rems Sarita.

“This year, pagsasamahin natin sa isang stage ang stand-up comedy at lahat ng paboritong guests at banda ng mga KoolPals para i-celebrate ang limang taon na tawanan at pagsasamahan,” sey ni GB sa isang pahayag.

Dagdag naman ni James, “Kung sa tingin niyo malupit ang 4th anniversary sa Solaire, tama kayo. Pero mas malupit itong 5th anniversary.”

Huwag palampasin ang tawanan, good vibes at magagandang musika sa “the KoolPals Block Party.”

Mabibili ang tickets sa www.thekoolpals.com o kaya naman sa bit.ly/koolpals5.

Read more...