NGAYONG malapit na ang ang summer vacation, ingat-ingat sa mga modus!
Kamakailan lang, nagbabala ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa tinatawag na “vacation scam” – isang modus na ineengganyo ang mga mabibiktimang kliyente sa pamamagitan ng travel packages na inaalok sa mababang presyo.
Ayon sa tagapagsalita ng PNP na si Col. Jean Fajardo, ang madalas ialok ng suspek ay airfare tickets at hotel accommodations.
“Be careful and mindful,” panawagan ng pulisya.
Baka Bet Mo: Vice nagbabala sa modus na nagkunwaring team niya: ‘Wag magpapa-scam!
Sey pa sa isang press briefing, “As much as possible, transact only to registered and legitimate travel agencies in purchasing accommodations, transport, or car rentals to avoid these scammers.”
Ibinunyag ni Fajardo na ang paglaganap ng bagong scheme ay nag-ugat sa “revenge travel” ng mga lokal kasunod ng mga taong lockdown at travel restrictions dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa data ng Anti-Cybercrime Group data, mayroon nang 478 na mga kaso ang nabiktima dahil sa vacation scams.
39 cases ang naitala noong 2021, 91 noong 2022, 313 noong 2023 at 35 sa taong ito.
Ayon sa PNP, sakaling may lumapit at magbigay ng vacation package offers, bukas naman daw ang kanilang ahensya pati ang Department of Tourism (DOT) upang i-verify kung tunay ito.