SAMPALAN. Isnaban. Tarayan. Kabaligtaran lahat yan ng nangyari sa muling pagkukrus ng landas nina Bea Alonzo at Julia Barretto.
Kung ang inaasahan ng mga Marites all over the universe ay magdededmahan o magpapaistaran ang dalawang aktres, well, sorry na lang dahil mas pinili nila ang magbatian at magchikahan.
Spotted kasing magkasama ang dating magkaibigan na sina Bea at Julia sa naganap na surprise tribute party para sa starmaker na si Johnny Manahan o mas kilala sa tawag na Mr. M.
Ito ang unang pagkakataon na naispatan ang dalawa na nagchichikahan at nagtatawanan sa isang public event.
Baka Bet Mo: Marian, Heart mahigpit na nagyakapan nang magkita sa birthday party ni Atty. Gozon
Napanood namin ang isang video na kuha nga sa pa-party for Mr. M kung saan nagbeso pa ang dalawang aktres at masayang nagkukuwentuhan with matching super laugh.
Kung pagbabasihan ang laman ng video, mukhang okay na okay na sina Julia at Bea matapos ma-involve noon sa kontrobersya nang dahil kay Gerald Anderson.
Alam naman ng lahat na si Julia ang itinuturong dahilan ng paghihiwalay nina Gerald at Bea kaya naman marami ang nagalit sa anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla. Tinawag pa siyang anaconda ng mga bashers.
Sinabihan pa nga ni Julia si Bea noon ng maaanghang na salita dahil sa pagla-like nito sa mga online reports tungkol sa pag-amin ni Gerald sa relasyon nila ni Julia, “Putting malice into the minds of many, which resulted in the outrage of insults against me.”
“I have endured many harsh words hurled against me and my family everywhere on social media. It is exhausting and painful. While some might have forgotten, I am also human.
Baka Bet Mo: Deniece Cornejo may patutsada sa pagbabalik ni Vhong sa ‘It’s Showtime’: #RhymesWithWrong
“From now on, anything I do in my private and love life is not considered as cheating, and is none of anyone’s business.
“Secondly, I believe Gerald has already made it clear that a third party was not the cause of their breakup. I would like to disassociate myself from the breakup of Bea and Gerald.
“Bea, you wanted to keep your hands clean by not mentioning me in your controversial post, but with a click of your finger, in your sly way, you have charged everybody to destroy me for you,” pahayag ni Julia,
“You can play the victim all you want, but I refuse to be your victim,” ang palaban pang post noon ni Julia against Bea.
Ipinagtanggol naman ni Gerald si Julia at sinabing hindi si Julia ang third party sa breakup nila ni Bea. Mula noon ang feeling ng lahat na naging mortal enemies sina Julia at Bea.
Ngunit sa itinatakbo ng plot twist ng kuwento, mukhang maayos na nga ang dalawang aktres. Hindi lang malinaw kung may kinalaman si Mr. M sa “pagbabati” ng past and present ni Gerald.
Komento nga ng isang netizen, “The world is healing. Love Julia Barretto and Bea Alonzo. So happy for women.”
Samantala, bukod kina Julia at Bea present din sa tribute party para kay Mr. M sina Kathryn Bernardo, John Lloyd Cruz, Heart Evangelista, Luis Manzano, Kristine Hermosa, Sam Milby, Claudine Barretto, Dimples Romana at Donny Pangilinan.