Cara Delevingne hindi makapaniwalang ‘nilamon’ ng apoy ang bahay sa LA

Cara Delevingne hindi makapaniwalang 'nilamon' ng apoy ang bahay sa LA

Cara Delevingne

NASUNOG ang bahay ng sikat na international model at aktres na si Cara Delevingne na nasa Los Angeles, California.

Buti na lang nasa ibang bansa ang modelo nang mangyari ang insidente noong Sabado, March 16 (Manila time).

Ongoing ang kanyang theater debut sa London na may titulong “Cabaret.”

Ayon sa report ng Los Angeles Fire Department, isang bumbero ang isinugod sa ospital matapos masaktan habang inaapula ang apoy at isang hindi pa makilala na nakaranas ng minor smoke inhalation.

Nabanggit din ng mga awtoridad na nadatnan nila ang apoy sa likurang bahagi ng two-storey house ng actress kung saan nawasak na nito ang isang kwarto hanggang sa attic.

Baka Bet Mo: Napilitan lang ba si Diego Loyzaga na magpakita ng pwet sa sex scene niya sa ‘The Wife’?

Dalawang oras ang itinagal bago tuluyang ideklara ang “fire out.”

Matapos kumalat ang balita, ibinandera ni Cara sa serye ng Instagram Stories ang nangyari sa kanyang bahay.

Shinare niya ang isang video na punong-puno ng fire trucks ang labas ng kanyang bahay.

Caption niya sa IG, “Thank you from the bottom of my heart to all the firefighters and people that have showed up to help.”

Kasunod niyan ay ipinakita naman niya ang litrato ng kanyang mga aslagang pusa na naligtas mula sa sunog.

“My heart is broken today. I cannot believe that life can change in the blink of an eye. Cherish what you have,” sey niya.

PHOTO: Instagram Stories/@caradelevingne

Hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa rin ang sanhi ng sunog.

Taong 2010 nang nagsimula sumikat sa fashion industry ang 31-year-old London-born na si Cara.

Pagkatapos niyan ay pinasok na rin niya ang showbiz kung saan tumampok siya sa 2016 DC Comics film na “Suicide Squad” at 2017 movie na “Valerian and the City of a Thousand Planets.”

Noong 2022 naman ay kabilang siya sa cast ng Hulu series na “Only Murders in the Building” kasama sina Steve Martin, Martin Short at Selena Gomez.

Ang latest project niya ay noong 2023 kung saan bumida siya sa “American Horror Story” ng FX.

Read more...