Vice nagbabala sa modus na nagkunwaring team niya

Vice nagbabala sa modus na nagkunwaring team niya: ‘Wag magpapa-scam!

Pauline del Rosario |February 29,2024
facebook
share this

Vice nagbabala sa modus na nagkunwaring team niya: ‘Wag magpapa-scam!

Pauline del Rosario - February 29, 2024 - 02:11 PM

Vice nagbabala sa modus na nagkunwaring team niya: 'Wag magpapa-scam!

PHOTO: Facebook/Vice Ganda

HUWAG magpapa-scam!

‘Yan ang naging paalala ng comedienne-actress na si Vice Ganda sa publiko matapos niyang malaman na may nagkukunwaring kabilang sa kanyang team.

Ang modus daw, mag-o-offer ng vlog collaborations kasama raw siya upang mapapunta ang biktima sa ibibigay na address.

Naalarma ang komedyana kaya agad siyang nagbigay ng babala laban sa mga ganitong klaseng scammers.

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinandera ni Vice ang screenshot na ipinapakita ang message ng nagngangalang “Peach” sa kanyang bibiktimahin.

Baka Bet Mo: Arci Muñoz nabiktima ng ‘modus’ sa eroplano, ninakawan ng credit cards

“My name is Peach from Team Vice Ganda and we are inviting you to do a collaboration on Ms. Vice Ganda YouTube channel this coming Saturday,” saad sa mensahe ng suspek.

Mababasa rin na sinabi ng message sender na ipapadala niya ang address at dapat daw ay magsuot ng “unkabogable outfit.”

“‘WAG MAGPAPA-SCAM,” caption ni Vice Ganda sa FB post.

Anunsyo pa niya, “‘Wag agad magpapaniwala sa mga ganitong messages! Walang ‘Peach’ sa team namin.”

“Kung may kakausap man sa inyo, ‘yun ay ang official accounts ng Team Vice!” sey pa niya sa publiko.

Kalakip niyan ay ibinigay niya ang usernames ng official accounts ng kanyang X, Instagram at TikTok.

Sa comment section, maraming netizens ang galit na galit sa scammer na ginamit ang pangalan ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Grabe na talaga ngayon ang mga nagpapanggap hay naku,” sey ng isang fan.

Komento naman ng isa pang socmed user, “Gagamit talaga para makapang loko! I love you meme [red heart emoji].”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending