HABANG nasa rehabilitation center pala ang premyadong aktor na si Baron Geisler ay may napanood siyang mga pelikula ni Cristine Reyes.
Nagpaka-fan boy si Baron kay Cristine sa presscon ng pelikula nilang “Dearly Beloved” under Viva Films last Wednesday, March 13, kung saan pinuri niya nang bonggang-bongga ang aktres.
Kuwento ng aktor, bilib na bilib siya kay Cristine Reyes lalo na nang mapanood niya ang “No Other Woman” (2011) at “The Gifted” (2014).
Na-watch daw niya ang mga naturang pelikula noong nasa rehabilitation center siya matapos malulong sa mga bisyo.
Baka Bet Mo: Cristine 6 years nang single, balak ipa-background check ang mga manliligaw: ‘Masaya naman ako kahit walang lalake!’
“To be honest, I’m a fan, fan ako ng movies ni Cristine. Alam n’yo po kung saan ko pinanood? Sa rehab. This was years back.
“Ito yung time na akala ko wala na akong chance sa industriya. Akala ko, magiging fisherman na lang ako, mangingisda. Totoo yun.
“Kaya po na-starstruck ako kay Cristine kasi dahil yun sa movies na pinanood ko, kasama ko yung mga fellow recoveries sa rehabilitation center,” aniya pa.
Kuwento pa ni Baron, mas humanga at mas na-appreciate pa niya si Cristine nang magsimula na silang mag-shooting para sa “Dearly Beloved.”
“Sobrang bait ni Cristine. Sa first shooting day namin, nandoon yung wife ko. I wanna thank you (Cristine) because you made an effort to go to the sala and talk to my wife.
“Sobrang nakakatuwa yon and so humble of you to do that. Sabi ko, ‘Wow , ang galing!’ Nawala yung intimidation ko to work with you,” sabi pa ng aktor.
Naikuwento rin niya ang ginawa niyang pagtatanggol kay Cristine sa mga bashers na nagsasabing pasaway at mahirap katrabaho ang aktres.
Sinagot daw talaga ng aktor ang mga haters ni Cristine sa pamamagitan ng X (dating Twitter), “Nope, misunderstood siya because of her professionalism.
“May kanya-kanya tayo ng approach sa set, especially kung mahirap ang character mahaba ang lines, etcetera. Meron lang naninira,” sabi pa ni Baron.
Matatandaang nagkasama sina Baron at Cristine sa seryeng “Eva Fonda” na ipinalabas sa ABS-CBN noong December, 2008.
“I’ve worked with her before pa 2007 ata for Eva Fonda, same siya. Totoong tao at di plastic. Totoong tao si AA (palayaw ni Cristine).
“I’m not protecting her because may movie kami. I’m just stating facts because while shooting, napakabait at nag-open up pa sa buhay.
“She just needs to get to know the person first bago siya mapalagay. Pero true professional artist siya. I love and support her,” ang pagtatanggol ni Baron sa kanyang leading lady.
Paliwanag ng aktor sa ginawa niyang pagdepensa kay Cristine, “Sa akin, first-hand experience, huwag kang mag-judge. Huwag kayong mag-judge ng tao.
“Huwag kayong maniwala sa mga tao na nagtsitsismis lang. Try it for yourselves and then, bigyan ninyo ng chance na makilala yung tao.
“Ako, grateful lang talaga ako na nabigyan ng second, third, fourth, fifth, sixth…and now, by God’s grace, I’m really really praying na maging consistent yung sobriety ko.
“Yung pag-aalaga ko sa sarili ko, sa pamilya ko, relationship ko kay God, kasi mahal ko po yung trabaho.
“I see myself na parang pagdating ng panahon, para akong si Sir Eddie Garcia or Sir Dante Rivero na pagtanda ko, nandiyan pa rin po ako.
“Wala na akong ibang puwedeng gawin, ayoko naman maging direktor dahil parang ang hirap naman yata nu’n,” pagbabahagi pa ng aktor.
Showing na sa March 30 sa mga sinehan ang “Dearly Beloved” kung saan makakasama rin sina Phoebe Walker, JC Tiuseco, Althea Ruedas, Robbie Wachtel, Tyro Daylusan, at Charles Law.
Kasama rin sa pelikula sina Ivan Padilla, Rey PJ Abellana, Marissa Sanchez, Ana Luna, Erica Ladiza, Guji Lorenzana, at Nicco Manalo.
Ito’y mula sa direksyon ni Marla Ancheta, ang direktor din ng critically acclaimed na pelikula na umantig sa ating mga puso, ang “Doll House,” kung saan bumida rin sina Baron at Althea Ruedas.