STAR-STUDDED ang naganap na “Quarterly Christmas” event ng Kasuso Foundation sa pangunguna ng board of trustees member na si Ogie Diaz.
Matagumpay ang isinagawang event kung saan pinasaya at binigyang-pugay ang mga babaeng tinutulungan ng naturang foundation ang mg breast cancer patients.
Ito’y bilang bahagi na rin ng pakikiisa ng Kasuso Foundation sa selebrasyon ng International Women’s Month ngayong buwan.
Personal na dumating ang Beautéderm founder at chairwoman na si Rhea Anicoche Tan last Sunday, March 10, para makilala ang mga beneficiary ng Kasuso Foundation at upang ibigay ang kanyang cash donation.
Baka Bet Mo: Cassy umaming dream partner si Alden; excited na sa pagiging bagong ‘baby’ ni Rhea Tan
Siyempre, para mas maging happy ang event, isinama ni Miss Rhea ang kanyang Beautéderm ambassadors na sina Lorna Tolentino, Alma Concepcion, Darla Sauler, VG Alex Castro, Ynez Veneracion, Anne Feo, Sunshine Garcia, Alynna, Rochelle Barrameda, Thou Reyes, DJ JhaiHo, KitKat, Teri Onor, at Councilor Wency Lagumbay.
Spotted din sa event ang Kapamilya star na si Gillian Vicencio at Sparkle artist Kimson Tan. Nagbigay silang lahat ng words of encouragement sa audience with matching performance.
“Beautéderm’s mission is to give people hope. I hope everyone will see the joy in helping others and do the same. People should start caring for others.
“What I love about Kasuso Foundation is its commitment. This partnership is not confined to a single event but represents a long-term commitment to transforming lives.
“Patuloy kong ipinapanalangin ang cancer patients. I pray for their strength and hope. Thanks to Sir Ogie for making these things happen.
Baka Bet Mo: Xian mahigit isang taon nanligaw kay Kim; may tip sa pakikipagrelasyon
“We have long been supporting Kasuso Foundation even before the pandemic happened,” ani Miss Rhea.
Patuloy sa paggawa ng impact sa ibang tao ang Beautéderm boss. Kamakailan din ay nagbigay siya ng inspiring speech para sa Air Asia’s Women’s Month celebration.
“We can overcome challenges and create a brighter future together. May this partnership continue to have a meaningful impact on the lives of these cancer patients,” pagtatapos ni Tan.