‘It’s Showtime’ papalit nga ba sa ‘Tahanang Pinakamasaya’?

'It's Showtime' papalit nga ba sa 'Tahanang Pinakamasaya'?

TRULILI nga kaya ang mga naglalabasang chika na ang Kapamilya noontime program na “It’s Showtime” ang papalit sa “Tahanang Pinakamasaya?”

Marami na kasi ang naglalabasang balita na diumano, inaayos na lang daw ng mga ABS-CBN at GMA ang ilan pang mga detalye at mga kailangan bago ibandera ang magandang balita.

Maski ang talent manager na si Ogie Diaz ay kinukulit ng marami kung ang kapalit nga ba ng “Tahanang Pinakamasaya” ang “It’s Showtime”.

Matatandaang kamakailan lang nang tuluyan nang ianunsyo ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc. ang pamamaalam ng kanilang programa sa GMA Network effective March 8.

Baka Bet Mo: Noontime show nina Luis at Melai papalit sa Tahanang Pinakamasaya?

Dahil nga rito ay marami ang naghahangad na sana ay mapunta na sa GMA7 ang pagpapalabas ng “It’s Showtime” gayong wala naman na ang “Tahanang Pinakamasaya”.

Matatandaang ipinapalalabas na ang Kapamilya noontime show sa GTV simula noong July 2023 na pagmamay-ari rin ng GMA.

Sa latest episode ng “Showbiz Update” nina Ogie, Mama Loi, at Dyosa Pockoh ay napag-usapan nila ang mainit na chika ngayon ukol sa “It’s Showtime”.

“Mukhang nakakasilip ng pag-asa ang netizens dahil sa mga pinahayag ni Vice Ganda,” sey ni Ogie.

Ang timutukoy nila ay ang sinabi ng Unkabogable Star na “Better days are coming”.

“Kaya nga yung mga netizens, ‘yun ang pinapalagay nila na baka ang tinutukoy daw ni Vice ay ang It’s Showtime na nga ba ang uukupa ng [Tahanang Pinakamasaya] slot?” sey pa ni Ogie.

Kung totoo man daw ang balita ay pakiramdam ng talent manager, magkakaroon ng co-production sa pagitan ng Kapamilya at Kapuso.

Samantala, sa ngayon ay wala pa namang pahayag ang parehong kampo hinggil sa trending topic ngayon.

Read more...