Melai nalito kay Jennica, ka-terno kasi ang mantel: ‘Ang dami kong ka-uri!’

Melai nalito kay Jennica, ka-terno kasi ang mantel: ‘Ang dami kong ka-uri!’

PHOTO: Screengrab from Instagram/@jennicagarciaph

LAUGH kung laugn ang netizens sa Instagram video na ibinandera ng aktres na si Jennica Garcia kasama ang komedyana na si Melai Cantiveros.

Mapapanood sa kwelang video na biniro ni Melai si Jennica na nagkukunwaring nalilito dahil magka-terno ang damit ng aktres at ang mantel kung saan ito nakaupo.

“Jen, let’s go na Jen,” sey ni Melai habang hinahawakan ang pulang tablecloth.

Nagulat naman si Jennica at sabay sabing, “Huy! Hindi ako ‘yan! Ito ako!”

Hirit ng komedyana, “Hindi ko na alam kung sino si Jennica sa inyo!”

Baka Bet Mo: Jennica feeling complete na ngayon: Natutunan ko nang tumayong mag-isa

Tawang-tawa naman ang aktres kay Melai at kasunod niyan ay ipinakita ni Jennica ang ilang throwback pictures kung saan ka-terno naman ng kanyang damit ang isang white and blue na plorera o flower vase.

“Ang dami ko pala talagang ka-uri [holding back tears emoji],” caption ni Jennica sa post.

Kwento pa niya, “Dati carpet at vase lang. Ngayon pati table cloth, tupperware at plato na.”

“Ayoko na bes! [laughing emoji],” ani pa niya sa IG.

Makikita sa comment section na kahit ang ina ni Jennica na si Jean Garcia ay napatawa sa kanyang video post.

“Sakto yung shade ng red, ternong terno honey [laughing emojis],” wika ni Jean sa anak.

Narito naman ang naging komento ng ilang netizens na naaliw sa kwelang video:

“Hahahaha your so funny [laughing emoji]”

“Buti pa vase namin beh sumikat…[laughing emojis]”

“Hahaha kumpletuhin mo na Tol household set [laughing emoji]”

“I see no difference HAHAHAHA terno pala ah [laughing emoji]”

“It’s okay, still pretty naman ehh [smiling face with heart eyes emoji].”

“Hahaha isang tabo tawa ko sayo Melai [laughing emoji]”

Read more...