Paulo, Kim ramdam ang pressure dahil kina Park Seo-joon at Park Min-young

Paulo, Kim ramdam ang pressure dahil kina Park Seo-joon at Park Min-young

Paulo Avelino at Kim Chiu

MATINDING pressure ang nararamdaman nina Paulo Avelino at Kim Chiu sa Filipino adaptation ng K-drama series na “What’s Wrong With Secretary Kim“.

Bukod sa talagang nag-hit sa South Korea ang naturang serye, ay sikat na sikat din ang mga lead stars nitong sina Park Seo-joon at Park Min-young.

Sa naganap na grand mediacon ng “What’s Wrong With Secretary Kim”  nitong nagdaang Sabado sa Araneta City, Cubao, natanong sina Kim at Paulo kung ano ang mga dapat abangan ng fans at kung may pressure silang nararamdaman sa nalalapit na pag-ere nito sa Viu Philippines.

Baka Bet Mo: True ba, Kim Chiu bibida sa Pinoy version ng K-drama na ‘What’s Wrong With Secretary Kim’?

“As proud Pinoy, maraming nilagay ang mga writers namin and everyone involved dito sa paggawa ng ‘Secretary Kim’ the Philippine version, maraming Filipino touch such as family oriented or ‘yung mga more comedy side.


“Actually kapag pinanood mo siya side by side, medyo parehas siya pero ‘yung story namin is more Filipino and mas nakaka-relate ‘yung karamihan,” sabi ng aktres.

Para naman kay Paulo, palagi naman daw may pressure kapag may bago siyang project, lalo pa’t super successful ang “What’s Wrong With Secretary Kim”.

“Of course there’s pressure because, whenever you do an adaptation, you will always gonna be compare to the original series.

Baka Bet Mo: Kim, Paulo kontra sa office romance: Hindi talaga maiiwasan, pero…

“And not just that, we’re portraying characters that been portrayed by as you’ve said Korean stars like everyone loves PSJ (Park Seo-joon) everyone loves the female counterpart of ‘Secretary Kim’ and its always a pressure,” sey ng aktor.


Siniguro rin ni Kim na maraming makaka-relate ang madlang pipol sa Pinoy version ng “What’s Wrong With Secretary Kim”, “Habang ginagawa namin to, ‘yung adaptation na ‘to, it doesn’t feel like work.

“Tapos when we see the outcome and the finish product, hindi naman lahat napanood namin pero may mga clips lang na napanood sa tulong ng mga directors namin and creatives na parang ‘ay ang saya!’ nagawa ng mga Pinoy ‘yung ganitong klase na puwede tayong makipag-sabayan sa Korea,” ani Kim.

“Nakaka-proud and very happy with the outcome ng palabas na ‘to and of course we’re very excited and very happy, ‘yun lang masasabi ko.

“Kinakabahan of course hindi naman mawawala ‘yun we’re very excited and confident this will be very good adaptation What’s Wrong With Secretary Kim adaptation,” dagdag pa niya.

Mapapanood na ang “What’s Wrong With Secretary Kim” simula sa March 18 sa Viu Philippines digital streaming app, mula sa ABS-CBN Studios, Dreamscape Entertainment at Viu.

Read more...