Bianca laging iniiyakan ang pagiging Sang’gre sa ‘Encantadia Chronicles’

Bianca laging iniiyakan ang pagiging Sang'gre sa 'Encantadia Chronicles'

Bianca Umali

PALAGING umiiyak si Bianca Umali kapag napag-uusapan ang pagkakapili sa kanya ng GMA 7 bilang isa sa mga bagong Sang’gre sa bagong edisyon ng “Encantadia.”

Gaganap ang Kapuso actress sa “Encantadia Chronicles: Sang’gre” bilang si Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa.

Palaging sinasabi ni Bianca na until now ay hindi pa rin siya makapaniwala na kasama siya sa inaabangang fantasy-action-drama ng GMA 7.

“Noong na-announce na ‘yung Sang’gre I think hindi ko na mabilang kung ilan ‘yung crying photos ko na lumabas.

“Like in every event, in every interview palaging may crying photo, siguro kasi Encantadia is such a huge project of GMA, it’s a different world,” ang pahayag ni Bianca sa pamayam ng GMA Network.

Baka Bet Mo: Kuya Kim inisa-isa ang ibig sabihin ng mga suot na singsing

“To be given the opportunity to be one of the Sang’gres itself, it’s very overwhelming. To the point na first time kong maramdaman na nakaka-pressure s’ya ng bongga. Na hindi ko alam kung paano ko iha-handle pero ‘thank you, Lord’, ganu’n ‘yung feeling,” chika pa ng girlfriend ni Ruru Madrid.

Patuloy pa niya, “Hanggang ngayon hindi pa rin s’ya nagsi-sink in that I am here. Pero Sang’gre I will say iba. Noong in-announce s’ya after three years of hiding it parang umikot ‘yung buhay ko, 360.


“In 2005, I was five years old. Though I remember seeing flashes of it sa TV pero ngayon to be part of the next chapter, the next book of Encantadia, it’s surreal,” dugtong pa ng dalaga.

Baka Bet Mo: Neri Miranda hindi ikinahihiya ang pangongolekta ng kaning-baboy sa edad na 10: ‘Proud ako na nagawa ko yun!’

Makakasama rin ni Bianca bilang mga bagong Sang’gre sina Kelvin Miranda as Adamus, Faith Da Silva as Flamarra, at Angel Guardian bilang si Deia.

Ka-join din sa cast sina Glaiza de Castro na magbabalik bilang si Pirena, Sanya Lopez bilang Danaya, Kylie Padilla bilang Amihan, Gabbi Garcia bilang Alena at Rocco Nacino bilang Aquil.

Nasa serye rin sina Rhian Ramos, Ricky Davao, Sherilyn Reyes, Jamie Wilson, Luis Hontiveros, Vince Maristela, Shuvee Etrata, Pamela Prinster, at ang Gueco twins na sina Vito at Kiel.

Read more...