Sharon inaming stupid ang pag-post ng putol na ulo ni Kiko: Nag-away kami

Sharon inaming stupid ang pag-post ng putol na ulo ni Kiko: Nag-away kami

Sharon Cuneta

INAMIN ni Sharon Cuneta na nagkamali siya nang i-post sa social media ang kanilang family photo na putol ang ulo ni Kiko Pangilinan.

Nag-viral ang nasabing litrato at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens, at karamihan nga ay na-offend para sa dating senador.

Makikita sa picture si Mega kasama ang mga anak at si Kiko pero na-crop ang ulo nito. Matapos makatanggap ng mga negang comments, tinanggal agad ito ni Sharon.

Inamin ni Mega na ito’y dahil nga sa bugso ng kanyang damdamin, dahil nag-away daw sila ni Kiko nu’ng mga panahong yun.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz nag-sorry kay Carla Abellana: Pasensya na, nagkamali kami

“Nag-aaway kami nu’n, sorry. You know, we have problems, that’s another thing. How stupid was I, ‘di ba?

“But also, really, I wanted (a photo of) my gremlins, of the four (mga anak). Wala akong makita na picture nila na wala ang daddy nila.


“But then, pagka-post ko, ‘OMG, mukha akong tanga, ba’t ‘ko pinost, putol ‘yung asawa ko!?” ang pahayag ni Sharon sa panayam ng ABS-CBN.

Baka Bet Mo: Nikko na-bash dahil sa Squid Game paandar; Vice may hugot sa ‘kutsilyo’

Kasunod nga nito, mas naging maingat na si Sharon sa pagpo-post sa social media lalo na kung may kaugnayan ito sa kanyang pamilya.

Agad namang nilinaw ng nag-iisang Megastar na kahit may mga misunderstandings sila ng kanyang asawa ay mas pinipili pa rin nila ang isa’t isa.

“It was never because of someone else. It’s never because of someone else,” ang paglilinaw ni Sharon dahil nga sa chikang may third party involved sa kanilang pag-aaway.

Ipinagtanggol din ni Mega si Kiko sa mga bashers at sinabing mabuting ama ang dating senador, pati na sa anak nila ni Gabby Concepcion na si KC Concepcion.

“And I would tell you that Kiko has been a good father to KC since we dated since she was nine. And since we married when she was 11,” sabi pa ni Shawie.

Read more...