JC Intal tinupad ang simpleng birthday wish ni Bianca

JC Intal tinupad ang simpleng birthday wish ni Bianca: Mahal kita, sobra!

Ervin Santiago |March 13,2024
facebook
share this

JC Intal tinupad ang simpleng birthday wish ni Bianca: Mahal kita, sobra!

Ervin Santiago - March 13, 2024 - 07:05 AM

JC Intal tinupad ang simpleng birthday wish ni Bianca: Mahal kita, sobra!

JC Intal at Bianca Gonzalez kasama ang mga anak

TINUPAD ng dating professional basketball player na si JC Intal ang simpleng wish ng kanyang asawang si Bianca Gonzalez.

Binati ni JC sa pamamagitan ng social media ang kanyang loving wifey na nag-celebrate ng kanyang 41st birthday nitong nagdaang Lunes, March 11.

Nag-share ang former PBA player ng ilang litrato nila ni Bianca sa Instagram na kuha sa kanilang motorcycle date sa Tagaytay.

“Your simple birthday wish is granted. Happy Birthday, @iamsuperbianca (Bianca Gonzalez)! Mahal kita sobra,” ang nakasulat sa caption ni JC.

Baka Bet Mo: Mona Alawi mas piniling tumulong sa mga batang may sakit kesa gumastos sa bonggang debut, Ivana super proud ate

Sinagot naman ito ng Kapamilya TV host ng, “I love you (red heart emoji).”

Sa kanya namang Instagram account, nagbahagi si Bianca ng ilang pictures ng kanyang pamilya kalakip ang mensahe ng pasasalamat sa lahat ng bumati sa kanyang kaarawan.

“41! Immensely grateful for the gift of life and the life I have, with my 3 BEST GIFTS EVER,” ang caption ni Biana sa kanyang post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC Intal (@jcintal7)


Ipinost din niya ang kanyang photo na may hawak na bouquet of red roses kung saan nakapalibot sa kanya ang asawang si JC at dalawa nilang anak na sina Lucia at Carmen.

Sey niya sa caption, “THANK YOU very, very, very much for all your greetings, messages and tags, I appreciate every single one!!! So grateful. Thank you God. Just been battling a migraine all day and will attempt to reply soon.”

Nag-share rin siya ng ilang litrato nila ni JC mula sa kanilang Tagaytay trip.

Baka Bet Mo: Bianca Gonzalez walang planong pasukin ang pag-aartista; umaming mas istriktong magulang kesa kay JC Intal

Samantala, ibinahagi rin ni Bianca sa Instagram ang mga ginawang birthday cards nina Lucia at Carmen para sa kanya.

“Dear Mama, happy happy happy birthday. Me and Carmen love you so much. God bless you always,” ang mensahe ni Lucia sa kanya.

Ang isinulat naman ng bunsong si Carmen sa ginawa niyang card, “Happy birthday Mommy. I love you so much. Love, Carmen.”

Siyempre, hindi rin nakalimutan ng kanyang mga co-host sa “Pinoy Big Brother” na sina Robi Domingo at Melai Cantiveros.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Happy birthday, Ate Bianca! Happy birthday sobra! Ate B, we miss you! Enjoy the America,” ang pagbati ng mga dati ring housemates ni Big Brother para kay Bianca na ipinost ni Robi sa kanyang Instagram story.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending