KUNG sina Kim Chiu at Paulo Avelino ang tatanungin, mas mabuting umiwas na lang sa office love affairs para walang maging problema sa trabaho.
“Office romance” ang isa sa tema ng Philippine adaptation ng hit Korean series na “What’s Wrong With Secretary Kim?” kaya naman natanong ang lead stars nitong sina Kim at Paulo kung aprub ba sila sa konseptong ito.
Sa kuwento ng serye, gaganap si Kim bilang si secretary ni Brandon Manansala, ang karakter ni Paulo na magkakainlaban sa isa’t isa matapos ma-develop bilang mag-boss.
Ayon kay Paulo, hindi talaga maiiwasan ang dalawang magkatrabaho na ma-in love sa isa’t isa pero kung siya raw ang masusunod, mas pipiliin pa rin niya ang maging professional sa work.
“It is always to be professional. I know in some cases, you can’t help but fall in love with someone in your workplace. But maybe, just choose an appropriate setting.
“But for me, I always want to be professional,” pahayag ni Paulo sa naganap na grand mediacon ng “What’s Wrong With Secretary Kim” nitong nagdaang Sabado, March 10.
Halos ganito rin ang pananaw ni Kim dahil naniniwala siya na hindi dapat pinaghahalo ang work at trabaho dahil siguradong may magsa-suffer.
“Hindi maiwasan yung ganu’n, lalo na kung magkakilala kayo, ilang oras sa isang araw siya lang kausap mo. Pero mas importante siguro mas maayos trabaho kaysa personal na buhay mo.
“Siguro mag-suffer yung work, baka hindi ka makapag-concentrate sa work. Mas priority ‘yung trabaho,” pahayag ni Kim na mukhang naka-move on na nga nang bonggang-bongga sa breakup nila ni Xian Lim.
Baka Bet Mo: Angeline tinanggap agad ang What’s Wrong With Secretary Kim: Na-miss ko!
Samantala, nagbigay din si Paulo ng mensahe para kay Kim bilang leading man, “I think everything is going well with her. It is just one aspect but everything is going well for her. I think she knows.
“She just has to be more positive. I don’t see anything wrong with Kim. She is beautiful, she has a wonderful and beautiful career as well,” sey ni Paulo na siya ring partner ni Kim sa hit drama series na “Linlang.”
Sey naman ni Kim, ibang-iba naman si Paulo sa “What’s Wrong With Secretary Kim?”, “He is very professional and funny now. What’s right about Paulo is, being himself. And that is what makes him right for the role.”
Ito ang unang pagkakataon na sasabak sa isang romcom ang aktor, kaya ang tanong sa kanya, so, bakit niya tinanggap ang “What’s Wrong With Secretary Kim?”
“I think if it was offered to me and if it wasn’t Kim, I would probably have second thoughts.
“Siguro ano, itong Secretary Kim. Dahil sa pagmamahal ko bilang ka-trabaho ka, at sa trabahong ibinigay mo sa Linlang so, pang-bawi sayo. So I’m here at Secretary Kim to give back,” aniya pa.
Kasama rin dito sina Jake Cuenca, Janice De Belen, Angeline Quinto, Pepe Herrera, Kaori Onuma, Gillian Vicencio at marami pang iba. Mapapanood na ito sa March 18, exclusively on Viu Philippines.