True ba, Bea Alonzo may isyu sa mga kasambahay at driver?

True ba, Bea Alonzo may isyu sa mga kasambahay at driver?

TRULILI kaya na pinababayaran ni Bea Alonzo sa driver niya kapag nabangga nito ang sasakyan?

Ito ang report nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa programa nilang “Cristy Ferminute” sa 92.3 Radyo TRUE FM kaninang tanghali.

Nagra-rant daw kasi sa social media ang mga pinaalis na kasambahay ni Bea at ang girlfriend daw ng driver ay may reklamo rin.

“Nagra-rant sila sa social media ngayon at kalat na kalat na po talaga ‘yung kanilang pagrereklamo lalo na ‘yung girlfriend ng isa niyang driver na nagsasabi ng, ‘Bakit po ganu’n Ma’am Bea mababait naman po ang mga staff n’yo pero bakit ganu’n?

Baka Bet Mo: John Lloyd Cruz ‘tumanggi’ sa reunion movie nila ni Bea Alonzo, anyare?

“Oo nga, nagbibigay kayo ng pambayad sa SSS at saka sa Philhealth pero ayaw n’yo naman silang payagan na lumabas ng inyong bahay para naman maasikaso ang kanilang mga dokumento.

“At para naman sila ay magkaroon ng kasiguraduhan sa kanilang pamumuhay,” ito ang kuwento ni Nanay Cristy tungkol sa umano’y reklamo ng mga staff ni Bea.

Nabanggit din ng “CFM” host ang tungkol sa driver na nakabangga ng sasakyan.

“Yung sa driver ang ipinagtataka ko Romel, eh, kasi bakit kailangan kapag nabangga ang sasakyan ay pababayaran sa driver? Bakit wala bang insurance itong mga sasakyan ni Bea Alonzo?” tanong ni ‘Nay Cristy.

“Nakakaloka nga tayong mga ordinaryong mamayan nap ag may mga kaibigan o kapitbahay na nabangga, aakuin ko na ‘yan kasi ako naman ‘yung malaki ang kita,” pananaw naman ni Romel Chika.

Giit ni ‘Nay Cristy, “Hindi, may insurance ‘yun Romel may mananagot alangan namang wala silang policy. At wala pong driver na gugustuhin na maaksidente siya at ang kanyang pasahero.

“Kaya ang pakiusap (ng dyowa) bigyan n’yo naman sana ng magandang kinabukasan ang driver, e, paano nga kung may maganap?

“Nag-knock on wood pa ‘yung girlfriend, paano kung may maganap nga? Wala man lang kasiguruhan ang driver kung ano ang magaganap sa buhay niya?” aniya pa.

Sa pakiwari ni ‘Nay Cristy ay sakto naman daw na ngayon naglalabasan ang lahat ng hindi kagandahan kay Bea kaya maraming nagsasabing bumaba raw talaga ang premium ng aktres.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Bea o ng kampo niya tungkol sa isyu sa kanya ng kanilang mga kasambahay at driver.

Read more...