Bea Alonzo, Dominic Roque patago nga ba kung magkikita?

GAANO kaya katotoo ang chika na patagong nagkikita ang dating magkasintahan na sina Bea Alonzo at Dominic Roque?

Dominic Roque, Bea Alonzo (PHOTO: Instagram/@dominicroque)

GAANO kaya katotoo ang chika na patagong nagkikita ang dating magkasintahan na sina Bea Alonzo at Dominic Roque?

Muli kasing napag-usapan ng talent manager na si Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Brena ang dalawa sa kanilang “Showbiz Update”.

Chika niya, nang dumalo raw kasi siya sa birthday party ng anak ni Sen. Jinggoy Estrada ay maraming nagtatanong sa kanya kung nagkabalikan na raw ba sina Bea at Dominic.

Ani Ogie, “Sa totoo lang, wala akong kongkretong maisagot sa kanila kasi hindi ko alam [kung nagkabalikan na sila].”

“Nakarating lang sa akin na nagkasundo na sila [Bea at Dominic] ok na sila, nagkaayos na. Nagkikita raw ng palihim. ‘Yun lang ang nakarating sa akin,” pagpapatuloy niya.

Sey ni Ogie, kung totoo man daw ang chikang nakaabot sa kanya ay magandang balita para sa kanya.

Baka Bet Mo: John Lloyd Cruz ‘tumanggi’ sa reunion movie nila ni Bea Alonzo, anyare?

“Ako gusto ko sila Bea at Dominic, wa echos. Lalo na at nagkaroon pa ng duda ‘yung mga tao na mukhang sila nga ay nagkabalikan na dahil doon sa IG account ng negosyong bag ni Bea Alonzo,” lahad pa ni Ogie.

Nag-post raw kasi ang aktres ng promo photo sa Instagram page ng kanyang negosyo kung saan makikitang may suot suot itong singsing.

“Kaya ang daming tanong ng mga netizens kung nagkabalikan na ba, naibalik na ba ‘yung isinoling singsing? Na kay Bea na ba uli? Sila na ba ulit? ‘Yung mga ganon at bakit naman daw ipo-post ‘yun kung alam niyang wala na sila?” sey pa ni Ogie.

Palaisipan rin kung tuloy na nga ba ulit ang kanilang kasal dahil suot na raw naman nito uli ang “engagement ring”.

Chika pa ni Ogie, kung totoo man na nagkabalikan sina Bea at Dominic at kung tinatago man nila ito ay marahil ayaw na siguro nilang masabihan ng negatibo ng mga netizens.

Read more...