Arjo Atayde hanga sa ama: Thank you for being an inspiration

Arjo Atayde hanga sa ama: Thank you for being an inspiration

PROUD na ibinandera ng actor-politician na si Arjo Atayde ang kanyang paghanga sa amang si Arturo Atayde.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang larawan nila ng ama na kuha noong ikasal sila ni Maine Mendoza bilang pagbati sa kaarawan nito.

Pagbabahagi ni Arjo, ang kanyang Daddy ang inspirasyon niya sa buhay.

“If I could only tell the world of how kind of a person you are.

“Thank you for being an inspiration and constant reminder to choose kindness, to be better, to keep learning in everything that I do and to never stop helping like you do,” saad ni Arjo.

Dagdag pa niya, “Love you dad! Happy birthday!”

Baka Bet Mo: Maine shookt sa pa-surprise ni Arjo Atayde sa Eat Bulaga, biglang ‘nahimatay’ 

Makikita namab sa comment section ang naging sagot ng ama ni Arjo sa kanyang pagbati.

“Love you Cong,” reply nito.

Marami ring mga kasamahan ni Arjo sa industriya ang bumati kay Art.

Ilan na rito sina Randy Santiago, Vina Morales, Matt Evans, Gio Alvarez, at marami pang iba.

Talagang close na close ang pamilya nina Arjo at kahit nga ang asawa nitong si Maine ay close na close at kabiruan rin ang kanyang ama.

Matatandaang last week lang nang mag-celebrate ito ng ika-28th birthday at pabirong inusisa ni Art kung nasaan na ang kanilang baby.

“First of all, I would like to greet my very nice, very loving, and beautiful daughter-in-law, Maine Atayde, a very, very happy birthday. Ayan, Maine, ha, pinupuri kita dahil birthday mo.

“Pero, tumatanda ka na. So, where’s the baby? Ano ba ang ginagawa ninyo ni Arjo?Palibhasa, puro shopping siguro? Alam ko di ka naman makakaganti ngayon kaya naisahan na kita.

“As I said, kidding aside, I wish you all the best and hope you will have a good one. Just remember that we will always be here for you and we love you. Happy, happy birthday,” sey nito sa manugang.

Read more...