Direk Jade Castro, 3 iba pa pinalaya na matapos makulong ng 40 araw
MAKALIPAS ang 40 araw, pinalaya na ang direktor na si Jade Castro at ang tatlo pa niyang kasamahan matapos kasuhan sa pagsunog umano ng isang modern jeepney sa Catanauan, Quezon noong January 28.
Kagabi, March 11, nakalabas na sa Bureau of Jail Management Penology (BJMP) ng Catanauan si Direk Jade at sina Ernesto Orcine, Noel Mariano, at Dominic Ramos.
Ito’y sa bisa ng kautusan ni Judge Julius Franciz Galvez ng Branch 96 ng Catanauan Regional Trial Court matapos paburan ang motion to quash na inihain ng abogado ng grupo ng filmmaker na si Atty. Michael Marpuri.
Matatandaang inaresto sina Direk Jade ng mga operatiba ng Philippine National Police sa Mi Casa Resort sa Barangay Butanyog, Mulanay, Quezon, noong February 1. Destructive arson ang isinampang kaso sa kanila.
Ngunit nanindigan ang mga kinasuhang personalidad na wala silang kasalanan at isang mistaken identity lamang ang nangyari sa kanila.
Baka Bet Mo: Mga artista, direktor, producer sanib-pwersa sa paglaya ni Jade Castro
Ayon sa ulat ng ABS-CBN, sinabi ni Atty. Marpuri, na bandang alas-8 ng gabi nakalabas ng BJMP facility sa Catanuan sina Direk Jade.
Aniya pa, “Ibinasura ng korte yung demanda dahil mali yung pagkakaaresto sa kanila.
“The information was quashed on the ground of lack of jurisdiction of the court on the persons of the accused due to the invalidity of their arrest.
“Technically, case is dismissed but without prejudice as to refiling,” pagayag pa ng abogado.
Sabi naman ng isa pang abogado nina Direk Jade na si Atty. Blanchie Baticulon, “In this case po, the court ruled that there is no hot pursuit, for the reason po na sabi ng husgado, ng Branch 96 ng Catanauan, Quezon, unang-una, ‘yung mga testigo, hindi nila nasabi, right after the commission of the crime, kung saan sila pumunta.
“Kasi nga po sabi ng husgado, the time they were arrested, the suspects were not acting in suspicious manner. They were acting as innocent individuals at that time,” ang pagbabahagi pa ng abogado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.