Piolo parami nang parami ang resort-hotel business, pinayuhan ni Ate Vi

Piolo parami nang parami ang resort-hotel business, pinayuhan ni Ate Vi

Piolo Pascual at Vilma Santos

MARAMING negosyo si Piolo Pascual at karamihan ay hotel o resort pero ang pinaka-main business niya ngayon ay sa real estate.

Ito’y base na rin daw sa payo sa kanya ng nag-iisang Star for All Seasons na si ex-Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Napagkuwentuhan nina Piolo at Ogie Diaz sa vlog nito ang tungkol sa mga negosyo na in-upload sa YouTube channel ng talent manager kahapon.

“I guess it’s one of the reasons why I stay active in the business para meron akong pang-invest, being practical and all ‘yun lang naman ang sa akin.

Baka Bet Mo: Glaiza napa-’senti’ mode sa pagbubukas ng kanyang resort: Nire-remind nito ‘yung nakakapag-reunion kaming pamilya

“Kaya nu’ng nag-offer sa akin ang Dreamscape ng soap (Pamilya Sagrado), sabi ko ‘ilang days ‘yan Tito Deo?’ sabi niya, ‘100 days’ (sabay compute sa kamay) sabi ko, game! One hundred episodes, sabi ko okay, mas marami akong pang-invest.

“So, meron akong partners na tumutulong kasi wala ka namang oras for that, pero ‘yung pinakamalaking pinagkakabisihan ko ngayon on the side is Batangas (resort).


“Kaya sabik akong magtrabaho kasi pambili ng materyales, pambili ng kahoy, pambili ng bakal, so, alam mo na ilang years ko nang ginagawa. I want a house to be nice, so, hindi natatapos kaya hindi rin ako natatapos sa trabaho.

“Yung investments kailangan natin ‘yun kasi hindi naman tayo bata forever,” kuwento ni Piolo tungkol sa Batangas property niya.

Baka Bet Mo: Kiray nakabili ng mga ari-arian dahil sa patuloy na pang-ookray ng bashers; Beauty parami nang parami ang endorsements

Ilan ba ang mga negosyo ni Papa P? “Mostly hotels and real estate, ‘yung business partner ko yung kami ni Kat (Kathryn Bernardo) siguro tatlo o apat puro islands sa Bora (Boracay), El Nido, Siquijor, and other properties na puwede kang mag-build ng hotels and resort.  ‘Yun talaga hilig ko, eh,” pagtatapat ng aktor.

Dagdag pa niya, “What keeps me afloat is the real estate eversince I started business at ‘yan ang sinabi sa akin ni Mommy Vi (Vilma) nag-save siya at ang nagsalba ng career niya at ng personal life niya is real estate.

“So, ever since kapag may sobra akong pera invest ako kaagad, hindi ako magastos, eh. I take care of my relationships with endorsements, my network, may friends, with my producers kasi kasama ‘yun sa maganda mong iiwang legacy,” kuwento ni Piolo.

Si ex-Cong. Vilma raw ay nakaranas magipit sa pera noon pero si Piolo raw ay hindi, “Kasi practical ako bata pa lang ako mahilig ako sa paluwagan,” tsika ng aktor.

Kaya work to death noon si Piolo para may pang-invest at hindi raw siya nangungutang na hindi niya kayang bayaran at kapag malaki raw ang kailangan sa bago niyang pagkakagastusan ay pinag-iipunan muna niya.

Read more...