Angeline tinanggap agad ang What’s Wrong With Secretary Kim: Na-miss ko!

Angeline tinanggap agad ang What's Wrong With Secretary Kim: Na-miss ko!

Angellne Quinto, Paulo Avelino at Kim Chiu

AGAD-AGAD na nag-yes si Angeline Quinto nang ialok sa kanya ang isang role sa Pinoy version ng hit K-drama series na “What’s Wrong With Secretary Kim.”

Ito ang pagbabalik-serye ng Kapamilya singer-actress makalipas ang mahabang panahon kaya naman super excited na siyang mapanood ito ng madlang pipol.

Sey ni Angeline, sobrang na-miss niya ang gumawa ng teleserye. Ang last series na nagawa niya sa ABS-CBN ay ang “Kahit Konting Pagtingin” na umere noong 2012 kung saan nakatambal niya si Paulo Avelino.

Baka Bet Mo: True ba, Kim Chiu bibida sa Pinoy version ng K-drama na ‘What’s Wrong With Secretary Kim’?

Gaganap si Angeline bilang si Sarah Angeles sa “What’s Wrong With Secretary Kim” mula sa ABS-CBN Studios, Dreamscape Entertainment at Viu Philippines at makakasama nga niya rito ang lead stars na sina Kim Chiu at Paulo Avelino.

“Actually, medyo matagal-tagal na nga rin po ‘yung huling ginawa kong teleserye and si Paulo rin ang kasama ko doon, siguro mga 2011 or 2012.


“Sobrang na-miss ko rin (ang gumawa ng serye) and at the same time, noong nalaman ko from Dreamscape na mapapasama ako dito sa What’s Wrong With Secretary Kim. Pareho kami ni Ms Janice (de Belen) e, akala ko ako si Secretary Kim,” ang birong chika ni Angeline sa naganap na mediacon ng serye last Saturday.

Baka Bet Mo: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa Pinoy version ng hit K-drama ‘What’s Wrong With Secretary Kim?’, aprub ba sa mga fans?

Sey pa ng biriterang singer about her latest acting project, “Siyempre tinanggap ko agad ang role and hindi naman ako masyadong nag-adjust as Sarah Angeles.

“Lasi parang si Angeline din siya na masiyahin, talagang kalog at siya ‘yung nagbibigay kasiyahan sa mga katrabaho niya kapag nai-stress sila,” aniya pa.

Magsisimula na ang “What’s Wrong With Secretary Kim” simula sa March 18 sa Viu Philippines. Ka-join din dito sina Jake Cuenca, Janice de Belen, Romnick Sarmenta, Cai Cortez, Gillian Vicencio, Pepe Herrera at marami pang iba. Ito’y mula sa direksyon ni Chad Vidanes.

Read more...