Karylle, Yael nag-renew na ng wedding vows: ‘Beautiful ceremony!’

Karylle, Yael nag-renew na ng wedding vows: 'Beautiful ceremony!'

PHOTO: Instagram/@zsazsapadilla

MULING ikinasal ang mag-asawang Karylle Padilla at Yael Yuzon nitong weekend.

Ang kanilang renewal of vows ay bahagi ng kanilang 10th anniversary celebration na ginanap noong March 9.

Super proud na ibinandera ng ina ni Karylle na si Zsa Zsa Padilla ang ilang heartwarming moments ng kasal ng dalawa.

Makikita sa pictures na simple at intimate ang wedding, pero punong-puno ng pagmamahal at kasiyahan.

Sa Instagram, binati ng batikang singer ang mag-asawa matapos ang kanilang intimate renewal of vows.

Baka Bet Mo: Zsa Zsa Padilla ibinandera ang first impression kay Yael Yuzon: Ang image kasi niya rocker, di ba? Naku, baka chick magnet?!

“Congratulations, K and Yael!” caption niya.

Ani pa niya, “It was a beautiful ceremony for your renewal of vows!”

Sa comment section, maraming fellow celebrities ang nagpaabot ng “best wishes” at congratulatory” messages para kina Karylle at Yael.

Kabilang na riyan sina Carol Banawa, Ogie Alcasid, Iza Calzado, Lorna Tolentino, at marami pang iba.

Magugunita noong February 26 nang mangyari ang surprise proposal ni Yael para sa misis na umere sa live episode ng noontime show na “It’s Showtime.”

Matapos niyang batiin si Karylle dahil sa matagumpay na Filipino rock opera ballet na “Rama, Hari” ay doon na siya biglang lumuhod at inilabas ang singsing.

“Will you marry me again?” ang tanong niya kay Karylle na agad namang sinagot ng TV host ng, “Yes.”

Niyakap ni Yael ang misis at nag-kiss pa sila sa lips.

Unang nag-propose si Yael kay Karylle noon habang nasa kotse silang dalawa kaya naman naisipan niyang gawin uli ito sa harap ng madlang pipol para sa kanilang renewal of vows.

Kung matatandaan, taong 2014 nang ikinasal ang celebrity couple sa San Antonio ng Padua Church sa Silang, Cavite.

Read more...