Zsa Zsa nasorpresa rin sa pagpo-propose ni Yael kay Karylle

Zsa Zsa nasorpresa rin sa pagpo-propose ni Yael kay Karylle

Pauline del Rosario |March 04,2024
facebook
share this

Zsa Zsa nasorpresa rin sa pagpo-propose ni Yael kay Karylle

Pauline del Rosario - March 04, 2024 - 03:17 PM

Zsa Zsa nasorpresa rin sa pagpo-propose ni Yael kay Karylle

Zsa Zsa Padilla, Karylle, Yael Yuzon

AMINADO ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla na nasorpresa rin siya nang mag-propose ang singer na si Yael Yuzon sa kanyang anak na si Karylle.

Sa exclusive interview ng ABS-CBN News, inihayag ni Zsa Zsa ang kanyang kasiyahan na engaged ulit ang couple.

Ibinunyag ng Divine Diva na plano na talaga nina Yael at Karylle na magsagawa ng renewal of vows upang ipagdiriwang ang ika-10th wedding anniversary, pero hindi nila inaasahan na magpo-propose pa ang singer.

“That was so surprising, he didn’t tell us about it but apparently it’s something that he’s never done, he wasn’t able to propose that way so it was a nice gesture,” sey ng iconic singer.

Ayon sa report ng TV network, plano ng mag-asawa na magkaroon ng pribado at “intimate” ceremony.

Baka Bet Mo: Bagong kanta ng mag-asawang Karylle at Yael alay sa mga kababaihan, mangingisda

Gusto raw kasi ni Karylle na mas maging “meaningful” at “special” ang nasabing okasyon.

Magugunita noong February 26 nang mangyari ang surprise proposal ni Yael para sa misis.

Nangyari ‘yan mismo sa live episode ng noontime show na “It’s Showtime.”

Sorpresang dumating sa studio ng show si Yael para batiin si Karylle dahil sa matagumpay na Filipino rock opera ballet na “Rama, Hari.”

Kasabay niyan ay ibandera niya sa madlang pipol kung gaano siya ka-proud sa mga achievements ng singer-actress at TV host, pati na rin sa sampung taon na sila’y mag-asawa.

At kasunod niyan, inilabas na ni Yael ang singsing at lumuhod sa harap ni Karylle na sinundan ng malakas na hiyawan at palakpakan mula sa audience.

“Will you marry me again?” ang tanong niya kay Karylle na agad namang sinagot ng TV host ng, “Yes.”

Niyakap ni Yael ang misis at nag-kiss pa sila sa lips.

Unang nag-propose si Yael kay Karylle noon habang nasa kotse silang dalawa kaya naman naisipan niyang gawin uli ito sa harap ng madlang pipol para sa kanilang renewal of vows.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, taong 2014 nang ikinasal ang celebrity couple sa San Antonio ng Padua Church sa Silang, Cavite.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending