PATOLA at palaban ngayon si Sen. Robin Padilla sa mga bumabanat sa kanya sa social media dahil sa pagtutol niya na i-contempt si Apollo Quiboloy.
Ilang araw nang trending topic ang pangalan ng actor-public servant dahil sa umano’y pagtatanggol niya sa kontrobersyal na leader ng Davao-based religious group na Kingdom of Jesus Christ.
Maraming bumabatikos kay Robin dahil sa pagtutol niya at ng ilan pang senador na ipaaresto si Quiboloy dahil sa patuloy na pagtanggi nito na magtungo sa Senado para sagutin ang mga kasong kanyang kinasasangkutan.
Baka Bet Mo: Apollo Quiboloy nawalan ng YouTube channel matapos isumbong ng netizen, may nilabag na guidelines
Sa kanyang Facebook account, nag-post ang asawa ni Mariel Rodriguez laban sa mga taong tumutuligsa sa kanya. Aniya, kulang na kulang daw ang mga abogado sa Pilipinas, pero maraming nagpapaka- “attorney” sa social media.
“Sabi ng datos kulang ang mga abogado at huwes sa mga korte ng Pilipinas.
“Mabuti pa pala sa social media daming attorney out law at Beauty pageant judges,” ang patutsada ng senador.
Walang binanggit na mga pangalan si Robin sa kanyang post pero naniniwala ang mga netizens na para ito sa mga kumokontra sa pagtutol niya sa ruling ni Sen Risa Hontiveros na i-contempt si Quiboloy.
Pinaaaresto na rin ng senadora ang pastor matapos nitong muling hindi dumalo sa pagdinig ng Senado.
Baka Bet Mo: Nadine Lustre tutol sa ipapagawang tulay sa Siargao: Secret Beach should be preserved!
Meron pa siyang FB post na, “Ang presumption of innocence ay isang legal na prinsipyo na ang bawat taong inakusahan ng anumang krimen ay itinuturing na inosente hanggang sa napatunayang nagkasala.”
Nauna rito ipinaliwanag ni Robin kung bakit siya tutol sa ruling ni Hontiveros, “Dito sa nakikita ko, pagka nagpatuloy sa ganitong proseso parang sinasaklawan na natin, magkakaroon ba tayo ng panukala na sasagasaan natin ang religion? Papunta na ito. Wala na kay pastor, napupunta na doon sa buong organization. Sa buong religion nila.”
“Hindi deserve para sa mga mata ko na ang isang taong tingin kong bayani sa pakikipaglaban niya sa komunista na naging kasama ko, e ganitong klase papayagan ko maiskandalo,” aniya pa.